C H A P T E R 5

2.1K 57 1
                                    


-Aki's PoV-




Gamit ang bisekleta ko ay nakarating agad ako sa school pero hindi muna ako bumaba at patuloy na minaneho yun papasok sa mismong loob.

*BEEP BEEP*

Nanlaki ang aking mata nang may bumusena sa likod. Alam kong sasakyan yun.

*BEEP BEEP BEE------*

"SANDALI LANG!" sigaw ko. Nahihirapan akong pumidal dahil sa laki ng pantalon ko.

Anak ng...

*BEEP------*

"Ahh!!!" Napasigaw ako nang mawalan ako ng balanse at nagtuloy-tuloy sa may...

WHAT!?

Pinilit kong iliko yung manibela pero huli na. Kaya ending tumilapon ako sa basurahan.

"BWAAHAHAHAHAHAHA!!!" Tawanan ng mga salbaheng estudyanteng nakakita.

Huminto yung bwesit na sasakyan na yun sa tabi at bumaba ng kusa yung bintana sa driver's seat.

"Haha you look so gross! Bagay ka sa basurahan, panget." Ani nung lalaking naka-salamin bago pinatakbong muli yung sasakyan niya.

Mabunggo ka sana! Grrr!

Tinapunan ko ng masasamang tingin yung mga walang hiyang tumawa lang ng tumawa bago ako tumayo at pinulot yung salamin ko.


Bwesit!!!


Amoy ko ang bahong nanggaling sa basura na ngayon ay nangangamoy na rin sa damit ko. At masasabi kong kadiri! Parang gusto kong masuka.

Makita lang talaga kita ulit, ipapatikim ko sayo ang sidhi ng aking galit!!! Chos.

Pagpag ang sariling pumunta ako sa dean's office.

"Yvcks! What's that smell?"

Parang gusto kong lamunin ng lupa sa sobrang kahihiyan nang magtakip ng ilong si Dean.

Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sakin. "Hija, ikaw ba yung naaamoy ko?" Parang nandidiring ani nito.

Napayuko naman ako. "S-Sorry po. Ako nga po yun."

"E-Ehem! So, why are you here? Is there anything you need?"

"Nandito po ako para kunin yung I.D at schedule ko."

"Oh, transferee? What's your name?"

"Alexa Quin Lastimosa, Dean."

O___O

"Y-You are a Lastimosa!?"

MAFIA QUEEN IN DISGUISE (ON GOING)Where stories live. Discover now