-3rd Person's PoV-"Oh my god! Did you hear what she said!?"
"Kapatid siya ni Fafa Xander!"
"So, hindi sila mag-asawa!?"
"I don't know!"
"Ay, ang gulo-gulo na!" Bulungan ng mga babae.
Walang kaemo-emosyong nilingon ni Aki yung tatlo na may hawak sa lalaking binugbog niya.
"Bitiwan niyo yan." Mahinang ani nito. Pero hindi siya sinunod nung tatlo kahit bakas pa rin sa mga 'to ang gulat dahil sa rebelasyong nabunyag. "SINABI NG BITIWAN NIYO YAN!!!"
"P-Pero kase Aki..." Mahinang ani ni Jim.
"Talagang hindi kayo susunod?" Halatang inis na ani nito. Tumango-tango ito at hinugot ang phone sa bulsa.
Pinanood lang ng lahat ang mga kilos niya at ramdam din ng mga 'to ang takot.
"Pumunta kayong dalawa dito." Pilit kinakalma ang sariling ani nito. "Wag na kayong magtanong basta pumunta kayong dalawa dito!" Ani nito at pinatay na ang linya.
Nilingon niya ang Kuya niya na ngayon ay hindi makapaniwala sa mga iniasta ng kapatid.
"Tawagan mo si Mommy." Sabi nito sa kapatid.
Nagtaka si Xander sa sinabi niya. "H-Huh? Pero baki-------!"
"TAWAGAN MO!" sigaw nito at natigilan siya.
Hindi niya alam pero bakit natatakot siya sa kapatid? Kakaibang awtoridad ang pinapakita nito para masindak siya.
Kaya wala na siyang nagawa kundi ang kunin ang cellphone sa bulsa at dinial ang number ng Mommy nila.
"Hello Mom?" Ani ni Xander habang nakatingin kay Aki na walang emosyong nakatingin sa kanya. "Ahh Aki just want to know if you're okay." Pilit ang tawa nito. "Hmm yeah. Okay, bye."
Nang matapos isilid ang phone sa bulsa ay muli nitong hinarap ang kapatid. "Tapos na." Sarkastikong ani nito.
"Sumagot?" Tanong ni Aki. Kahit nagtataka ay tumango siya.
Matunog na napangisi si Aki bago bumulong ng... 'I knew it.'