-Kie's PoV-"What's your problem Zam!?" Halos singhalan ko na siya dahil sa pinagsasasabi niya kay Aki kanina.
Hindi kaya nakakatuwa. Baka nakakalimutan niyang asawa ni Xander yun. Best friend namin! Matuto naman sana siyang rumespeto.
"Tch. My problem is that girl! Ang panget niya!" Nakabusangot na ani nito.
"That's not enough reason, Dude. Still, asawa siya ni Xander. So, please be nice to her." Nagpapaintinding sabi ko.
It's just that ayoko sa inaasta niya. He's being childish!
Natigilan ako sa paglalakad nang huminto siya at humarap sakin. "Kilala mo ba ang babaeng yun Kie!?" Salubong ang kilay na ani nito.
No, but she looks familiar to me.
Naalala ko bigla yung babae sa pizza parlor. Ka-boses niya kase e. Pero Imposible naman yun.
Just being objective, maganda yung babaeng yun sa pizza parlor. Sobra. Pero itong asawa ni Xander, ahm... She's not that pretty. Peace.
Hindi ako sumagot sa halip ay umiling nalang.
"Then why are you being nice to her!?" Inis na ani nito. "Yes, asawa siya ni Xander. Pero si Xander lang ang kaibigan natin. Hindi ang babaeng yun!"
Nagtataka talaga ako kung bakit inis na inis kay Aki ang isang 'to. Okay naman yung tao, yung itsura lang ang hindi. Haha.
"Do you like her Kie?"
O____O
Nanlaki ang mata at nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
W-What the hell is he talking about?
"O-Of course not!"
"Good. Akala ko kase may gusto ka dun e." Sabi nito. "Dahil 'pag nagkataon hindi ko na talaga kayo kilala ni Xan. Mga wala kayong taste! Tch."
Hindi makapaniwalang pinanood ko siyang naglakad papalayo.
Sh*t! An'lakas ng tibok nang puso ko.