C H A P T E R 59

1.7K 46 0
                                    


-Xander's PoV-


Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwalang napatitig sa kapatid ko.

S-She's what?

"Nagulat ka ba, mahal kong anak?" Ngisi ni Mommy sakin. Nang-aasar. "Naaalala mo nung mga panahong laging umaalis ang Daddy mo at si Aki? Pumupunta sila sa isang lugar para makapag-sanay ang kapatid mong makipaglaban. Pero ikaw!? Sinanay ka ba?"

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Naikuyom ko nalang ang aking panga at kamao.

"Mas ginusto ng Daddy mo na si Aki ang sinanay at mag may-ari ng mga bagay na dapat ikaw ang nagmamay-ari. Panganay ka, nararapat na sayo yun. Pero Anong nangyari? Pinabayaan ka ng Daddy mo! Wala siyang pake sayo. Hindi ka niya mah-------"

"SHUT THE FVCK UP!!!!"


-Aki's PoV-


Nagulat ako maging si Mommy sa malakas na sigaw ni Kuya.

Galit na galit siya at kita ko yun sa mata niya. Halos mapatalon pa ako sa gulat nang tumingin siya sakin nang may nagbabagang tingin.

"Bakit mo inilihim sakin 'to." Mahina pero mariing ani ni Kuya sakin.

Naiinis ako dahil nakikita ko si Mommy sa gilid ng aking mata na pasimpleng ngumingisi.

"K-Kuya... L-Let me expl---------"

"BAKIT MO NILIHIM SAKIN!???" Hindi ko alam pero naiiyak ako.

No! Be brave Aki. Hindi ikaw 'to. Don't let your emotion control you.

"Kase ayokong mapahamak ka!" Sigaw ko at hindi ko na naman mapigilang maluha.

Pagdating talaga kay Kuya, ang lambot ko.

"Kuya please... Nilihim ko yun para sa ikabubuti mo. Mahalaga ka sakin kaya ayaw kitang masaktan."

"Sa tingin mo hindi ako nasasaktan ngayon!?" Galit nitong sakin. "Kapatid mo ako, Aki! Pero nagsinungaling ka sakin!"

Hindi ako makapag-salita. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko.

Alam ko naman na, na ganito ang magiging reaksyon niya. Napaghandaan ko na e. Pero hindi ko alam na masakit palang tanggapin kapag nangyari na talaga.

Kuya and Mom was my everything. I will do everything and anything what I think is right just to protect the both of them.

Yun ang naging paninindigan ko nung mga panahong hirap na hirap ako sa pagsasanay.

Halos harapin ko si kamatayan para malagpasan ang mga pagsubok na binigay ni Daddy para lang ma-protektahan ang mga taong mahahalaga sakin.

Pero hindi ko akalaing ang isa sa mahalagang tao para sakin ang magtatangka sa buhay ko. Tapos yung isa pa, kinukwestyon ang ginawa ko.

Hindi ko na alam! Nagugulohan na ako.

Na-protektahan at nabantayan ko ba talaga ng maayos ang pamilyang iniingatan at pinapahalagahan ko?

"You know what? Hindi ko alam kung papaniwalaan pa ba kita o hindi e." Naluluha na ring usal ni Kuya. "I don't know you anymore."

Lumuluhang tinignan ko si Kuya na akmang aalis pero nanlaki ang aking mata nang kalabitin ni Mommy ang gatilyo ng baril niya habang nakatutok sa nakatalikod na si Kuya.

"KUYA!!!!"

MAFIA QUEEN IN DISGUISE (ON GOING)Where stories live. Discover now