C H A P T E R 30

1.8K 49 0
                                    


-Aki's PoV-

Nang tumunog na ang ang bell senyales na break time na, hinintay ko munang lumabas lahat ng ka-klase ko bago ako tumayo. Pero napatigil ako nang tumunog ang phone ko.

*Kuya is Calling*

"Ano!?" Pasinghal kong sagot.

Wala lang, trip ko lang. Haha.

[Hey Wife! Pumunta ka dito ngayon sa canteen.]

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "For what?"

[Sasabay ka ng kumain samin, simula ngayon. You win, remember?]

Win? Pa'no naman ako nanalo? E hindi naman tapos ang laban. Saka, it's a tie kaya. Anong panalo dun?

"No thanks, may kailangan akong gawin ngayon." Sabi ko at lumabas na.

Dahil hindi ako nakabili ng libro kahapon dahil kay Drew at dun sa lalaking mukhang adik slash manyakis na sumagi sa pwet ko. Sa library nalang ako magbabasa. *wink*

[Saan ka na naman pupunta!?] Pasinghal na ani nito. [You've been absent for three days, wife! I miss you!]

Ehhh??? Parang biglang kumulo ang sikmura ko at gusto kong masuka sa sinabi ni Kuya.

"Tigil-tigilan mo nga ako Kuya! Kadiri ka!" Sabi ko at pinutol na ang linya.

Naglakad na ako papuntang library pero napatigil lang ako nang makita ang isang kumpulan sa Field.

Anong nangyayari dun?

"Guys, Tara sa field! May binu-bully na naman daw si Zam." Sigaw ng isang babae at nagtakbuhan na sila papunta sa field.

Si Zam?

Sa di malamang dahilan bumilis ang tibok ng puso ko. Shems! Anong nangyayari sakin?!

Binalewala ko yun at tinungo din ang field. Chismosa ako e. Saka..... Saka.... Saka, I want to see him.

Pagkarating doon ay pinilit kong sumingit papunta sa pinaka-unahan. At nang magawa ko yun... Nalaglag ang aking panga sa eksenang nadatnan.

What the hell....?

MAFIA QUEEN IN DISGUISE (ON GOING)Where stories live. Discover now