C H A P T E R 43

1.8K 50 0
                                    


-3rd Person's PoV-


Nang makarating sila sa tapat ng room, nagulat na naman yung pito nang makita kung gaano karami ang mga babaeng nakabantay dun. Mga nakasuot ito ng itim at may kanya-kanyang hawak ng baril.

"B-Bakit maraming tauhan?" Gulat na ani ni Xander.

Hindi ito sinagot ni Aki at hinarap nito ang pinuno sa mga tauhang nakabantay.

"Kumusta siya?" Tanong nito.

"Gising na siya, boss." Nakayukong ani nung pinuno.

"Don't tell me... Tauhan niya rin yang mga yan?" Bulong ni Jim sa mga kaibigan niya pero kahit ang mga 'to ay walang alam.

"Okay." Sagot lang nito.

Pumasok na sila sa loob at nakita yung lalaki na tulog.

"I thought gising na siya?" Nakataas ang kilay na ani ni Aki.

"P-Pasensya na, Boss. G-Gi-Gisingin ko po para sa-------"

"No need. Ako na ang gigising." Putol ni Aki sa sinasabi nung pinuno. "Makakalabas ka na."

Matapos lumabas ng pinuno ay agad na hinugot ni Aki ang baril na na'sa sapatos niya lagi at sunod-sunod na pinutok yun.

Nanlaki ang mata nung pito sa ginawa niya. Hindi naman sila bago sa putok ng baril pero nagulat lang sila sa bilis nitong kumilos.

Halos malaglag sa higaan yung lalaking bihag niya dahil sa putok ng baril.

"A-Anong ginagawa niyo dito!?" Nanginginig na tanong nung lalaki at takot na bumangon sa kinahihigaan.

"Aki! Sira ka ba!? Bakit ka may hawak na baril?? Saan galing yan!?" Nagugulat na singhal ni Xander sa kapatid.

Bago sagutin ni Aki ang kapatid ay binalik niya muna sa sapatos ang baril na hawak nito.

"Kuya, I'm not insane. Saka, stop acting na gulat na gulat ka 'coz I know na marunong rin kayong gumamit nito." Irap ni Aki sa kanila bago hinarap muli yung bihag. "At ikaw naman, bilisan mong magpaggaling dyan. At ipadala mo sa boss mo yung mensaheng sinabi ko."

Hindi na talaga matiis ni Xander kaya hinila niya na ang kapatid papunta sa isang tabi malayo-layo sa kaibigan niya.

"What's really going on!?" Mariing singhal nito sa kapatid.

"Kuya, please just wait? I will tell you everything, I promise. It's just that I don't want you to be in danger."

"In danger? I can protect myself!"

"I know."

"You know?"

"Yes. You and your friends are gangsters right? And you are the rank 1 in underground society."

Nanlaki ang mata ni Xander at hindi makapaniwalang napatitig sa kapatid.


-Aki's PoV-

I will tell Kuya a few about me para hindi na siya maguluhan. At sasabihin ko sa kanya lahat sa oras na dumating na ang tamang araw.

"H-How did you know that?"

"Because I am a..." S-Sorry Kuya. I know you will hate me once you know everything and I'm willing to accept that. It's just that it's not the right time to tell you that I'm a Merciless Mafia Queen.

"What? What are you?"

Napabuntong hininga ako at matapang siyang hinarap. "Because I'm also a gangster like you."

MAFIA QUEEN IN DISGUISE (ON GOING)Where stories live. Discover now