-Xander's PoV-A-Alonso? You mean si Tito?
Gulat akong napalingon sa kapatid ko. Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi ni Mommy o ano! Nagugulohan ako.
"That's Imposible!!!" Angal ko sa sinabi ni Mommy kahit nakasakal siya sakin at tinututokan niya ako ng baril. "My sister was too young that time! How can she do that!?"
That was 7 years ago. Sabay na natagpuang patay si Daddy at Tito. Then BOOM! Biglang sumagi sa isip ko na nandon din pala si Aki sa lugar kung saan sila natagpuan. She was crying really hard while hugging the dead body of Daddy.
I'm just 12 that time and she was 10 but I can still recall it.
"Too young!?" Sarkastikong ani ni Mommy at tumawa siya ng pagak. "She's maybe young that time but she can already hold a gun to kill someone!!!"
Napasinghap ako nang mas hinigpitan nito ang pagkakasakal sakin at mas diniin ang pagkakatutok ng baril sa sintido ko.
I don't know... Pero hindi na ako nakakaramdam ng kaba at takot kahit ganito ang sitwasyon ngayon. I just feel that I'm... Safe.
Gulat akong napalingon kay Aki, asking if it was true. But she gave me an 'please-let-me-explain' look.
Ha! What the hell? So it w-was true? T-That she kill Tito? I can't believe her!!!
"Kilala mo ba talaga ang kapatid mo Xander?" Biglang sabi ni Mommy at alam kong nakangisi siya ngayon.
Napaisip ako.... Kilala ko nga ba talaga ang kapatid ko?
Nitong mga nakaraang araw, hindi ko alam. Madaming tumatakbo sa isip ko.
Aaminin ko... Hindi ko alam kung maniniwala ba akong 'Gangster' ba talaga si Aki.
It's acceptable naman, dahil may gangster ring babae.
But her skill. It's too different from us!
Kung mabilis kami, mas mabilis siya. Kung magaling kami, mas magaling siya.
"K-Kuya please....." Napalingon ako kay Aki and I can see pain in her eyes.
Hindi ko alam pero kusang tumigil ang luha sa mata ko habang nakatingin sa kanya.
Potek na yan! Nagmumukha akong bakla nito e.
Naalala ko tuloy yung sinabi ni Aki kanina. 'No matter what you will know tonight. I hope it won't change everything.'
I-Is this what she meant? Na kapag nalaman kong 'siya' ang pumatay kay Tito, sana walang magbago? Ha! How can she think like that!? Sa tingin niya walang magbabago?
-Aki's PoV-
Hindi ko alam pero kusang tumulo ang luha ko nang makita ang galit at pagkamuhi ni Kuya sakin.
I know that he's thinking na pinatay ko nga si Tito.
I admit that and never deny it. But can he listen to my explanation why I did that?
Parang may kung anong kirot sa puso ko maisip na kahit anong paliwanag ang sabihin ko... Magdadalawang-isip na siya kung papaniwalaan ba ako o hindi.
"Don't you know that your sister is a----------"
"Shut up!!!!" Sigaw ko dahilan para hindi niya matapos ang sasabihin niya. "W-Why are you doing this Mom?" Lumuluha kong usal.
Ang sakit lang. Yung kahit alam ko ng gusto niya akong patayin, mahal ko parin siya. She become my Mom after all.
"Kahit ba minsan hindi mo ako minahal? Kami?" Sabi ko at hindi na maawat ang mga luhang nag-uunahan sa pagtulo galing sa mata ko. Nakita kong natigilan siya. "Kase ako? Minahal kita Mom. MAHAL parin kita kahit na nalaman kong gusto mo akong patayin. Kahit nalaman kong Asawa mo si Tito na siyang pumatay sa Daddy ko!"
Mas bumuhos ang mga luha sa mata ko nang maalala ang araw na yun.
"Kahit masakit, tinanggap ko. Tito Alonso killed Dad! What do you think I would feel? Ang matuwa!? Tito Alonso, he's like a second father to us. Kapatid niya pa si Daddy pero nagawa niya itong patayin! Kahit ako! He's planning to shot me kaya inunahan ko na siya!"
Parehas na natigilan si Mommy at Kuya. Pero mas nanaig kay Mommy ang galit.
"LIAR!!!" sigaw niya. "Alonso is a great man! I know him! He can't do that! Mahal niya ang mga kapatid niya, pa'no niya ito magagawang patayin!?"
"Because of jealousy." Plain kong sabi. Pinunasan ko ang mukha ko at walang emosyon siyang tinitigan. "Because of jealousy he killed my Dad and even my REAL mother for you to be a replacement."