-3rd Person's PoV-Hindi maiwasang mamangha ng lahat dahil sa pinakitang kabutihan ni Aki.
"Grabe, I think maiiyak ako."
"Me too. Tagos sa puso ang mga sinabi niya."
"Yeah, and she's too kind."
"Maganda na, mabait pa!"
"Sana all!"
-Xander's PoV-
Hindi ko maiwasang mamangha sa ginawa at sinabi ng kapatid ko.
When did she become like that? I never thought na may ganyan siyang side.
"Ang bait talaga ng kapatid mo, Xan!" Nakangiting ani ni Kie. "Nakaka-inlove tuloy---aww!"
"Hoy gag*!" Singhal ko sa kanya at marahan siyang sinuntok sa braso. "Bata pa yang kapatid ko, hindi pa pwedeng mag boyfriend!"
"Wala naman akong sinabing liligawan ko ah?" Tatawa-tawang ani ni Kie habang hinihimas ang braso niya. "Not now, but soon!--- aray!"
"Tigil-tigilan mo ako Kie ha! Ayaw kitang maging bayaw!"
"Hahahaha napaka-advance mo naman, Dude. Bayaw agad? Gusto mo bang pakasalan ko na ang kapatid mo?"
Hindi na ako nagsalita at tinapunan siya ng masamang tingin.
Hindi naman sa ayaw kong magka-boyfriend ang kapatid ko. Dadating din naman ang panahon na mangyayari yun. 'WAG na MUNA ngayon, kase bata pa siya. Hindi pa nga nag-i-eighteen yun. Tsk.
-Aki's PoV-
"Ehem! Ehem!" Umalingawngaw sa bawat pasilyo ng campus ang boses ni Dean dahil sa mga nagkalat na speaker.
Nandito ako ngayon sa may garden at nakasandal sa puno.
"Ipapaalala ko lang sa inyo mga pinakamamahal kong estudyante na mamayang alas singko na ng hapon ang deadline sa audition ng bawat club. So, mag-audition na kayo. At paalala din na bukas na ng gabi ang ating Acquaintance party. Be ready students. That's all and god bless."
Buti nalang talaga nandito ako sa garden, dahil kung hindi baka nabingi na naman ako sa mga walang kwentang usapan ng mga estudyante tungkol sa mga gowns and suits nila. Psh. Nagyayabangan lang naman.
Hmm ano kayang pwedeng masalihang club?