-Aki's PoV-Nang makasakay sa kotse ni Rhine ay pinaharurot ko na agad yun papunta sa hideout.
I don't care if I'm a minor. I have all kind of I.D's you know. *wink*
Nang makarating doon ay dumiretso ako sa basement. Kung saan namin dinadala ang mga espiya or whatever.
Agad kong nakita doon ang dalawang lalaki na parehas nakagapos at tulog.
Should I wake them up? Or wait for them to wake up? Hmm.. I prefer the first choice.
Ngumisi ako at hinugot ang baril sa gilid ng sapatos ko. This would be a great alarm clock.
Kinasa ko yun at pinaputokan ng sunod-sunod ang harapan nila.
"AYY ANO YUN! ANO YUN!!?" Taranatang sigaw nilang dalawa habang takot na takot at gulat na gulat.
"Opsss?! BWAHAHAHAHA!!!" malakas na tawa ko.
I just find their reaction funny. Hahaha.
"So, Hi Boys! I'm Alexa Quin, but people always call me Aki. And Q.Q for those who respect me."
"HINDI KAMI BOBO! KILALA KA NAMIN!" sigaw ni guy no. 1
"Oh, Nice! Saan mo naman nakuha ang impormasyon tungkol sakin? Is it from your boss?" Ngisi ko.
"MALAMANG! ALANGAN NAMANG SA INTERNET!" sigaw ni guy no. 2
"Pwede, rin." Kibit-balikat ko. "I'm famous you know."
Sikat ako as a Mafia Queen sa underground society. I'm also famous on business world.
Marami akong pag-aari na hindi alam ni Kuya at... Mommy.
Like Restaurants, Hotels, Resorts, Malls, and etc. Yung assistant ko ang nag-aasikaso habang nag-aaral muna ako."BAKIT MO BA KAMI PINAKULONG DITO HUH!? ANONG GINAWA NAMIN SAYO!?"
"Ohh~ acting innocent huh?" Nakangising sabi ko at naglakad papalapit sa kanila. "Ano nga bang ginagawa niyo dito?" Balik tanong ko.
"WALA KAMING GINAGAWA SAYO!!!"
"Tologo bo?" Pang-aasar ko at mukhang naaasar na sila. Haha.
Hays, Aki. Wag ka ngang bad! Mas pinapatagal mo lang ang paghihirap nila e. Be a good girl, you know.
"Okay, sasabihin ko na. Nakakaawa na kase kayo e." Bahagya akong bumaba para magpantay ang tingin naming tatlo. "Bakit niyo ako ginitgit kaninang umaga!?"
Halatang nagulat sila sa tinanong ko.
"W-Wala kaming alam sa sinasabi mo!"
"Talaga ba? Bakit parang meron?"
"W-WALA NGA KAMING ALAM!!! PAKAWALAN MO KAMI DITO!!!"
napangisi ako sa sinabi nila. "What made you think na kahit may sabihin man kayo o wala, ay mabubuhay parin kayo? Talaga bang kilala niyo ako?"
Tumayo ako at umikot-ikot sa inuupoan nila habang pinaiikot sa daliri ko yung baril.
"Sa oras na nakapasok kayo sa teritoryo ko, hindi na kayo makakalabas ng buhay para mag paalam sa pamilya niyo."