-Aki's PoV-
Alas nuebe na ng gabi kaya naisipan ko ng maligo. May Laban kami ngayon. *smirk*
Matapos maligo ay nagsuot ako ng black high waist short, black croptop sando, black high cut boots, at tinali ko sa beywang ko ang aking black leather jacket.
I didn't need to disguise coz you will see the true me tonight.
Kinulot ko ang aking buhok at tinali. Yung ma'la Ariana Grande, haha. Matapos ay nilagyan ko yun ng dalawang dagger para mag mukhang design. Naglagay din ako ng isang black knee protector at sinuot yun sa kanan kong paa.
*Riiiinnnggggggg*
"Yes?"
[Q.Q nandito na po kami sa labas.]
"Okay. I'll be there in 5 minutes."
*toot toot toot*
And the last one, sinuot ko na ang aking golden mask na may glitters. Ito ang simbolo ng grupo ko. 'Pag medyo mataas yung posisyon mo sa org. ko, kulay silver ang mask katulad ni Rhine at Iyah. And the rest bronze ang mask.
Ni-lock ko muna ang apartment bago lumabas at nakita ko kaagad sila Iyah at Rhine. Parehas silang yumuko sakin.
"Let's go." Sabi ko at pinagbuksan ako ni Rhine ng pinto sa passenger seat.
Si Iyah kase ang magmamaneho at katabi naman niya si Rhine.
This will going to be fun.
-3rd Person's PoV-
Pagkarating ng sasakyan nila Aki sa Underground Arena ay agad silang bumaba. Maraming sasakyan ang nakaparada sa labas Pero wala ng mga tao. Marahil ay na'sa loob na ang mga 'to.
Nangunguna sa paglalakad yung dalawa at na'sa likod naman si Aki na prenteng naglalakad.
Natutuwa siya dahil matagal-tagal na rin siyang hindi nakakalaban. Madalas kase ay mga tauhan niya lang ang pumupunta sa group battle.
Napatigil sila sa paglalakad nang harangan sila ng dalawang malalaking lalaki. Ang taga-bantay sa main door.
"Magpakilala kayo!" Matigas na ani nung isa.
"Kami ang Demonic Angels, kaya padaanin mo na kami kung ayaw mong humilita dyan ng hindi na humihinga." Malamig na ani ni Rhine.
Agad namang napaayos ng tayo at napayuko yung dalawa sabay ng paghingi ng tawad.
Kinakatakutan ang grupo nila kahit wala pa itong ginagawa dahil sila ang pinakamataas pa sa mataas.
Agad na may sinabi ang isa sa mga bantay dun sa kausap niya. He's using a wireless earphone.
Maya-maya lang ay bigla ng inanunsyo ang grupo nila.
"LET'S WELCOME THE HIGHEST OF ALL HIGHEST IN THE UNDERGROUND SOCIETY. THE DEMONIC ANGELS!!!!!"
