-Aki's PoV-"So, bakit niyo ako ginitgit!?" Ulit kong tanong. "Sasagutin niyo o sasagutin niyo?"
"Wala kaming sasagutin sayo!!!"
Aba't talagang matigas din ang mga mukha nito.
"Talagang hindi niyo sasagutin?" Pigil ang inis kong tanong.
"Ilang ulit ba naming sasabihin na HINDI!!!"
"Okay fine!" Sabi ko at sinuko yung dalawang kamay. "Napaka-feeling ng mga 'to. Kayo na nga ang kinakausap ng maayos, nagmamatigas pa kayo!"
Tignan natin kung uubra yang tigas ng bungo niyo sa bala nitong baril ko.
Kinasa ko ulit ang baril na hawak ko at tinutok sa isa sa kanila.
"Parang hindi maganda." Iiling-iling na sabi ko. "Dapat patas."
Kinuha ko yung isa pang baril sa sapatos ko at parehas na tinutok sa kanila.
"Ayan, fair na!" Natutuwang sabi ko. "Ngayon, patibayan kung sinong mauuna ha?"
"ANONG MAUUNA!?" pasigaw na ani nito.
Sa di malamang dahilan naalala ko si Zam. Oh~ that Monkey. At sa di malamang dahilan, napangiti ako. Tsk tsk tsk.
"Mauunang mamatay." Sabi ko at parehas na pinaputukan ang paa nila.
"ARRRRGGGGGHHHH!!!"
"So now? Sasagutin niyo na ba ako?"
"Wala kaming sasabihin sayo!!!"
Aish! Bakit napakatigas ng mga 'to!? Parang oo lang o hindi yung sagot, pinagdadamot pa nila!
"Isang tanong, isang-----"
"Kahit anong itanong mo, wala kaming isasagot!!!"
"PATAPUSIN NIYO NGA MUNA AKO!!!" sigaw ko. Pinuputol nila ang pagiging cool ko e. "Kapag may sumingit pa sa inyong dalawa kapag nagsasalita ako... Hindi ako magdadalawang-isip na iputok sa mga bungo niyo ang bala nitong baril ko."
Hindi sila nagsalita pero inirapan pa ako ng mga gag*!? Sila na 'tong nabaril, aba'y nakukuha pang magtaray!?
"Ngayon. Isang tanong, isang sagot." Sabi ko. Palihim akong Napangisi nang wala namang nagsalita sa kanila. Ayan! Ganyan dapat! "Mamili kayo, gusto niyo bang mamatay? O mamatay?"
"E WALA NAMANG PINAGKAIBA YAN! ANONG PAMIMILIAN NAMIN!?"
"Yung oras. Kung now na? O mga isang minuto pa? You choose." Ngisi ko sa kanila
Kita sa mukha nila ang kaba at takot. May segundo na nagkakatinginan pa sila. Psh.
"Oh wait, I forgot. You should say something to each other bago kayo pumunta ng empyerno."
"PATAYIN MO NALANG KAMI AGAD KUNG GUSTO MO KAMING PATAYIN!"
"oww? Hindi na kayo mag go-goodbye goodbye? How sad naman." Malungkot kunyaring sabi ko.
"Mas pinapatagal mo lang ang paghihirap namin!!! Nagsasawa na kami sa panget mong mukha!!!"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi nila. What the---? Did they just said that I'm ugly?? Oh! Naka-disguise pa nga pala ako!
Hay! Tumayo ako ng ayos at seryoso silang hinarap. "Okay, your wish is my command."
*BANG BANG*