-Aki's PoV-Kinabukasan maaga akong nagising. Agad akong pumasok sa banyo at naligo.
Ngayon ako papasok na hindi ko na kailangang magpanggap. Yes, I won't disguise anymore.
Matapos maligo ay nagsuot ako ng ball gown. Chos! Haha. Nagsuot lang ako ng sky blue high waist pants at white v-neck shirt at tinali yun sa harap. Sinuot ko nalang din ang white high cut shoes ko at nag-ayos saglit bago lumabas.
"Good Morning, Ma'am." Bati sakin ng mga katulong.
Nginitian ko lang sila at dumiretso na sa kusina para kumain.
"Where's Kuya?" Tanong ko kay Manang Soleng na siyang naghahanda ng pagkain ko.
"Ahh maaga pong umalis si Sir Xander, Ma'am Aki. May practice daw po kase sila ng basketball." Ani nito.
Napatango nalang ako. Akala ko galit na siya e.
Matapos kumain ay nagpahatid na ako kay Mang Ed sa school.
***
"Waahhhh sino siya? Ang ganda naman niya!"
"Oo nga, at ang sexy!"
"Bago ba siya dito!?"
Palihim akong napangisi at napailing nalang bago dumiretso sa room.
Agad na napalingon sakin ang mga ka-klase ko na may naglalakihan ng mata. Hindi ko sila pinansin at pumasok na.
"AKI BABE!" Napalingon ako sa tumawag sakin and it's Jaze.
Inirapan ko lang siya at dumiretso na sa upuan ko.
"Wait What!? Si Lastimosa yan??"
"For Real!?"
"Wah ang ganda niya pala!"
Gulat akong napalingon sa mga ka-klase ko nang magtayuan sila lalo na si Jaze at nag-uunahan sa paglapit sakin.
"Hep hep hep!" Tumayo ako at pinigilan sila sa akmang pag-upo sa tabi ko. May 3 chairs pa kaseng bakante. "Saan kayo pupunta?"
"I want to sit beside you!" Ani ni Jaze a sinang-ayunan naman ng iba.
"No, you are not allowed to sit here." Sabi ko at nalaglag naman ang panga nila. "Sabi niyo, may skin disease ako diba? So... Cho Cho! 'Wag kayo dito."
"Hindi naman ako ang nagsabi nun, Aki Babe." Ngumungusong ani ni Jaze. "Sila!"
Agad naman na nag-angilan ang mga ka-klase ko at nagturoan kung sino ang nagsabi nun. Psh!
"Good Morning, Class!" Sabay-sabay silang napabalik sa kanya-kanyang upuan nang dumating si Ma'am.
"Oh? Bakit ka pa nandito?" Halos singhalan ko si Jaze.
"Remember? Girlfriend kita." Ngisi nito.
Sinamaan ko siya ng tingin. "I'm not your girlfriend, magnanakaw."
Napanguso naman ito. I admit his cute. "Tsk. I'm not magnanakaw naman e."
"Talaga lang ha?" Sarkastiko kong sabi.
"Sorry na kase, Aki Babe." Pagsusumamo pa nito.
"Fine, basta ilibre mo ako."
Napangisi naman ito. "Sure. Anything you want."
Napailing nalang ako at nakinig na kami may Ma'am.