-Aki's PoV-Matapos iligpit ang dalawang walang silbi na yun ay lumabas na ako sa basement at tinungo ang opisina ko. Sakto naman at nandon na rin pala yung dalawa.
"So, nasaan na ang taong yun?" Tanong ko at naupo na sa aking swivel chair.
"Dinala po namin siya sa isang hospital na pag-aari niyo. Nag-iwan na rin po kami ng mga tauhang magbabantay sa kanya." Nakayukong ani ni Rhine.
"Mabuti naman kung ganun." Sabi ko habang chine-check ang ilang papeles na na'sa table ko. "Alam niyo naman siguro ang mangyayari sa inyo sa oras na mawala yung taong yun?"
"Y-Yes Q.Q." nakayukong sagot nung dalawa.
Napatango-tango ako. "So, anong ginawa niyo sa mga estudyanteng nakapanood sa ginawa kong eksena kanina?"
"Lahat po sila binayaran namin ng tigda-dalawang milyon para umalis na sa paaralang yun." Si Iyah.
"Ahm.. Sinigurado niyo bang hindi sila magsasalita?"
"O-Opo." Nice.
"Sila Kuya?" Tanong ko.
Alam kong nagulat ang mga yun sa inasta ko. Pero wala na akong magagawa. Nangyari na ang hindi pa dapat mangyari. Alam na ng lahat na kapatid niya ako. At wala ng panahon para magpanggap.
Kahit naman magpanggap, matutunton talaga ako ng taong yun. *smirk* So, kesa magpanggap at hayaan ang mga estudyante na lait-laitin ako. Nasabihan pa akong my skin disease. E di ipapakita ko na sa kanila ang totoong ako. Para naman maranasan nilang makakita ng totoong maganda.
"W-Wala po kaming nagawa sa kanila. Dahil matapos niyo pong umalis kanina, ay umalis na rin po sila."
"Okay, ako nalang ang kakausap." Sabi ko at tumayo na. "Ahh, kunin niyo na nga pala yung dalawang bugok sa basement at ihatid sa labas ng mga bahay nila. Iwanan niyo na rin ng tigli-limang milyon para dun sa mga pamilyang naiwan." Mahabang sabi ko. "At yung lalaking na'sa hospital, 'wag na 'wag niyong patatakasin."
Hinagis ko kay Rhine ang susi niya at lumabas na ako ng hideout para sumakay ng taxi.
Nang makarating sa apartment, tinawagan ko yung driver ko doon at inutusang sunduin ako dito. Doon na ulit ako titira sa bahay.