C H A P T E R 50

1.7K 48 0
                                    


-3rd Person's PoV-

Halos mapatingin ang lahat sa entrance ng venue kung saan ginaganap ang Acquaintance Party nang dumating si Aki habang naka-angkla ang kamay sa braso ni Xander.

"Wow! Ang gwapo naman ni Fafa Xander!"

"Agree ako dyan!"

"Saka, ang ganda ng kasama niya ah. Sino ba yan?"

"Si Lastimosa, kapatid niya."

"HEY AKI BABE!!!" Napalingon ang magkapatid kay Jaze na ngiting-ngiting naglalakad papalapit sa kanila.

"Hoy! Anong babe ang sinasabi nun!?" Mariing bulong ni Xander kay Aki habang masamang nakatingin kay Jaze.

"Just don't mind him, Kuya!"

"Baka nagpapaligaw ka dyan ng hindi ko alam!?"

"Of course not!"

"Dapat lang! Kailangan niya munang dumaan sa ibabaw ng bangkay ko bago ka niya mahawa-------"

"Hello, Aki Babe!" Nakangiting ani ni Jaze kay Aki at kinuha ang kamay ng dalaga pagkatapos ay hinalikan ito. "You look perfectly beautiful tonight."

Nanlaki ang mata ni Aki sa ginawa nito at ganon din si Xander.

"Hey Dude!" Inis na pinaghiwalay ni Xander ang kamay nung dalawa. "Kakasabi ko lang na kailangan mo munang dumaan sa ibabaw ng bangkay ko bago mo mahawakan ang kapatid ko. Pero langya! Hindi mo lang nahawakan, hinalikan mo pa!" Singhal ni Xander kay Jaze.

"Pasensya ka na bayaw, nadala lang. Mukha kaseng prinsesa ang kapatid mo e." Kamot-ulong ani ni Jaze at pasimpleng kinindatan si Aki.

-Aki's PoV-

Bakit napaka-landi ng lalaking 'to!? Hindi ba niya alam na kaya siyang patayin ni Kuya ngayon din? Tsk tsk tsk. Sa oras na mangyari yun, makikilamay nalang talaga ako.

"XANDER!!!" Napalingon kaming tatlo sa pinanggalingan ng boses na yun at nakita namin ang apat. Si Kie, Jim, Drew, at si Zam.

"Dude!" Nakipag-fist bump si Kuya sa kanilang apat.

"Nice suit, Dude!" Ngisi ni Jim kay Kuya.

Actually ang gwapo nilang lahat, lalo na si..... Napalunok ako at pasimpleng nag-iwas ng tingin nang makita kong seryosong nakatitig si Zam sakin.

Deym! What is he staring at!?

Parang bigla tuloy akong na-conscious. Maganda ba talaga ako? May dumi ba sa mukha ko? Magulo ba yung buhok ko? Panget ba yung gown ko? Argghh!! Nababaliw na 'ata ako.

"Where's Reign?" Tanong ni Kuya.

"His on the backstage. He's the SSG President remember?" Ani ni Drew at tumaas ang kilay ko nang sumulyap ito sakin pero agad din siyang nag-iwas ng tingin.

"Hi Aki!" Bati ni Kie sakin. Nginitian ko lang siya. "You really look perfect tonight."

"Thanks."

"Tsk. Gaya-gaya!" Dinig kong bulong ni Jaze. Malapit siya sakin kaya ako lang ang nakarinig.

"By the way, ako ang first dance mo ah?" Nakangising ani ni Kie.

"Anong ikaw!? Dapat ako, Aki Babe!" Parang batang maktol ni Jaze.

"Tumigil nga kayong dalawa!" Singit ni Kuya. "Ako ang first dance ng kapatid ko, tapos!"

Pumunta na kami sa table na nakalaan samin.

Hindi ko alam pero bakit kahit marami akong natatanggap na puri sa iba, nalulungkot ako?

I don't need many compliment from others. I just need one from..... him.

MAFIA QUEEN IN DISGUISE (ON GOING)Where stories live. Discover now