-Aki's PoV-Deym! What are they doing here!?
Gulat akong napatingin dun sa mga kaibigan ni Kuya at si...
"IKAW!?" sabay na sigaw ni Jim, Drew, Kie at yung magnanakaw na Jaze na yun.
Nagkatinginan silang apat. "Kilala niyo siya!??" Sabay-sabay ulit nilang sigaw.
Oh god! Anong ginagawa ng mga lalaking 'to dito?
"Hey, Hey, Hey!" Pumagitna si Kuya sa kanilang apat. "Nakilala niyo na ang kapatid ko na hindi siya panget!?"
"OO!!!"
Napatampal nalang ako sa sariling noo at ginawa ang pagkakataong nagtatalo sila na umalis pero hindi pa man ako nakaka-hakbang ay pinigilan na ako ni Kuya.
"W-What!?" Mahinang singhal ko sa kanya.
"You need to be here. Kailangan namin ng mga kasagutan."
"About what!?"
"Tungkol sa maraming bagay." Seryosong ani nito kaya natahimik ako.
Kahit alam kong mas malakas ako kay Kuya, I still respect him.
"Okay, Fine!" Sabi ko. "Pero pwede bang pagbihisin mo muna ako!? Tignan mo nga 'tong ginawa mo sakin oh!"
Napatingin si Kuya sa damit ko at napakagat ng labi para mag pigil ng tawa pati yung mga kasama niya. Maliban kay Zam na naka-poker face lang habang titig na titig sakin. Kanina pa yang unggoy na yan.
Napabuntong hininga nalang ako at iniwanan na sila para pumunta ng kwarto.
***
Sinadya kong magtagal sa kwarto. Wala lang, trip ko lang.
"Ma'am Aki, pinapatawag po kayo ni Sir Xander."
Talagang nag-utos pa siya ng maid para lang ipatawag ako. Effort ah!
"Pababa na ako." Sabi ko nalang.
Kinuha ko muna ang phone at wallet ko bago bumaba. Aalis na naman kase ako pagkatapos akong interview'hin nila Kuya.
"Bakit ang tagal mo!?" Singhal ni Kuya pagkababa ko. Pati mga kasama niya tuloy napatingin sakin.
"May ginawa pa ako!" Irap ko.
"Hoy Alexa Quin! Anong ginawa mo ha!?" Pang-aasar nito.
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Kuya. Alam ko yung tinutukoy niya, hindi naman ako feeling innocent noh!
"Hoy Kuya! Yang utak mo ah, linis-linisin mo na. Masyado ng madumi."