C H A P T E R 16

1.8K 57 0
                                    


-Aki's PoV-





Bigla akong tinira ni Kuya sa hawak niyang pana. Buti nalang talaga magaling ako kaya nasalo ko yun.

"That was fast." Sabi ko habang iniikot sa daliri ko yung pana.

Gulat silang napatitig sakin.

Sinenyasan ko lang sila Iyah at Rhine na wag makialam at agad naman silang tumabi.

"Sa tingin mo, kaya mo talaga kami ha!" Nanggigigil na ani Zam pero hindi ko siya pinansin.

Patuloy ang pag-ikot ko ng pana sa daliri ko at nang ihinto ko yun tinignan ko kung kanino nakatapat ang patalim niyon.

Opss, I'm sorry brother.


Pinitik ko agad yun at dahil hindi nila napansin ang pagkilos ko. Tinamaan si Kuya sa braso.

Hindi ako bobo para isiping walang lason yun. At hindi ako tanga para isiping nakakamatay yun.

Sa loob ng arena'ng 'to, mahigpit na pinagbabawal ang pagpatay.

"WAAAAHHH!!!" sigaw ni Zam at sabay-sabay nila akong sinugod.

Masyado silang mabilis kaya habang sinasangga ko ang bawat suntok at sipa ni Zam. Iniilagan ko din ang bawat pag-atake ni Kie at Reign.

No doubt, they are the rank 1.

Mabilis sila sa mabilis. Pero Mas magaling ako sa kanila.

Hindi ipapamana sakin ni Daddy ang org. kung wala akong ibubuga. At hindi ako magyayabang kung alam kong hindi ko kaya.

Napahinto ako nang nagbago sila ng posisyon. Nandito ako ngayon sa gitna habang nakapalibot sila.

Tanging mata lang ang ginagalaw ko at pinapakiramdaman ang kilos nila.

Nang sugurin ako ni Kie gamit ang katana niya ay hinugot ko ang isang dagger saking buhok at binato yun sa kamay niya bago ko siya sinugod at tinalunan. Nang makarating ako sa likod niya ay mabilis kong siniko ang kanyang batok kaya nawalan siya ng malay.

Hindi pa man nakakatayo ng ayos at nakakapag-angat ng tingin ay naramdaman ko na ang isang kumikinang na bagay papalapit sakin.

Mabilis kong pinulot ang katana ni Kie at hinampas yun sa dagger na hinagis ni Reign.

Whew. Muntik na ako dun ah. Haha.

Ginamit ko yung katana pang-tukod sa sahig at saka ako tumayo.

"Sampong minuto." Pinagpapawisan kong sabi.

Taka namang napatingin si Reign at Zam sakin.

"Anong sampong Minuto!??" Naiinis na singhal ni unggoy.

Pansin ko lang. Ba't laging pagalit kong magsalita 'to!? Hindi ba siya marunong manlambing? Psh. Hahaha.

"Sampong minuto. Sampong minuto ko lang kayong tatalunin dahil inaantok na ako."

MAFIA QUEEN IN DISGUISE (ON GOING)Where stories live. Discover now