-Aki's PoV-Napatitig ako dun sa lalaking yun at hindi siya pamilyar sakin. Estudyante ba 'to dito?
Alam niyong pinag-aralan ko ang lahat ng students profile ng mga nag-aaral dito, pati na rin ng mga guro, mga tindera sa canteen, at iba pa.
Pero ang isang 'to hindi ko kilala.
"Buti nalang tinulungan mo ako. Baka kung anong ginawa na sakin ng gag*ng-------!"
Bago pa man natapos ang sasabihin niya ay mahigpit kong hinawakan ang collar ng damit niya.
"Sabihin mo sakin.... Sino ka!?" Mariing tanong ko.
Kitang nagulat din siya sa ginawa ko pero unti-unti itong napangisi.
"Sabihin mo... Ikaw ba si Q.Q?" Ngisi nito.
Biglang kumulo ang dugo ko kaya nasuntok ko siya. Bago siya muling makabangon ay muli kong hinawakan ang collar ng damit niya.
"Sabihin mo... Saan dinala ng amo mo ang Mommy ko!?" Pilit kinakalma ang sarili kong sabi.
Baka mamaya, magkamali ng sagot 'to... Hindi ko mapigilan ang sarili kong patayin 'to dito.
Sa halip na sumagot ay ngumisi ito.
"SABIHIN MO!!!" sigaw ko at pinagsususuntok siya sa mukha.
Halos naliligo na siya sa sariling dugo at hindi na rin madilat ng maayos ang mata niya.
May mangilan-ngilang tao na rin ang pinapanood kami sa malayo.
"K-Kahit patayin mo 'ko dito wala kang mahihita sakin." Nahihirapang ani nito. "Pinapasabi nga pala ni boss, bilis-bilisan mo daw ang paghahanap baka mamaya wala na pala ang hinahanap mo."
"HAYOP KA!"
tang*na! Gusto kong umiyak sa galit pero imbes na gawin yun ay binugbog ko nalang ang hayop na 'to.
"Sa oras na makatakas ka sa kamay ko. Sabihin mo dyan sa amo mo na kahit saang lupalop ng empyerno mahahanap ko siya. At sa oras na may mangyaring hindi maganda sa Mommy ko. Itong tandaan mo, uubusin ko kahit anino ng mga pamilya at kasapi niyo."
![](https://img.wattpad.com/cover/211725232-288-k195468.jpg)