C H A P T E R 60

1.7K 46 1
                                    


-3rd Person's PoV-

Kasabay ng pagsigaw ni Aki ay ang paghugot niya sa baril na na'sa tagiliran niya at mabilis yung kinasa.

*BANG*

Napaluhod si Aki ng tumama sa kanang balikat niya ang balang nanggaling sa Mommy niya para sanggain ang kapatid niya bago niya pinutok ang kanyang baril na agad tumama sa kaliwang dibdib ng kanyang Ina.

*cough cough*

"Aki..." Mahinang usal ni Xander na nagulat sa nangyari.

Umuubo na ng dugo si Aki pero pinipilit niya paring lumuhod ng maayos.

"Q.Q!!!!!!!" sabay na napalingon si Aki at Xander nang marinig ang sigaw na yun ni Iyah sa likod nila.

Dali-daling tumayo si Aki at wala sa sariling niyakap ang kapatid at napasinghap siya nang may tumama na namang bala sa kanya.

Batid na ni Aki na may iba pang tao sa likod niya kanina pero binalewala niya yun. Ayaw niyang malingat ang paningin sa kapatid.

Agad na binaril din ni Iyah ang babaeng bumaril kay Aki bago ito tumakbo palapit sa kanila.

"Q.Q!!!" Mangiyak-ngiyak na usal ni Iyah. Kasunod niya si Rhine.

*cough cough* wala nang tigil ang pag-ubo ni Aki ng dugo.

"Aki..." Maluha-luha naring ani ni Xander habang kinakalong ng maayos ang kapatid.

"Ku---*cough* K-Kuya..." Nahihirapang ani ni Aki habang lumuluhang nakatingin sa kapatid. "P-Pa-Patawarin mo a-ako. *cough cough* p-patawarin mo ako kung hindi kita naipagtanggol."

Nag datingan na rin ang mga kaibigan ni Xander at maging ang mga 'to at nagulat sa eksenang nadatnan.

"AKI BABE!" Tawag ni Jaze at lumapit na ang mga 'to ki'na Aki.

-Xander's PoV-

Fvck! I hate my self for being asshole and jerk!!!

Anong klase akong kapatid para magalit ng ganoon sa kapatid ko??? I should've not say it to her! Napaka-walang kwenta kong kuya!

"Xan..." Napalingon ako sa mga kaibigan ko nang bigla silang dumating.

"It's fine, Dude." Ani ni Kie at tinapik ang balikat ko.

"Everything will be okay." Nakangiti namang ani ni Jim.

Hindi ko alam pero naiiyak ako. "Naging mabuti ba talaga akong kapatid? Hindi ko man lang nagawang ipagtanggol si Aki.
Napaka-walang kwenta ko!"

Agad naman nila akong dinaluhan. "Don't say that Xan. Aki will going to be fine." Pagpapakalma ni Drew.

"Drew is right Dude. Your sister is a strong girl. And I admire her for saving you even if it cost her life." Si Reign.

"Marami ng napagdaanan ang kapatid mo. At hindi lang bala ng baril ang makakapag-patumba sa kanya." Napalingon ako kay Zam sa sinabi niya.

"At hindi pwedeng mamatay si Aki Babe! Papakasalan ko pa siya!" Napalingon kaming anim kay Jaze at sabay-sabay siyang binatukan.

"Gag*!" Si Kie.

"Hindi na nga maganda ang lagay nung tao, kung ano pang sinasabi mo!" -Drew.

"Puro ka kalokohan!" -Jim.

"Tch/Tss." -Zam and Reign.

Napailing nalang ako sa mga sinasabi ng kaibigan ko at pinunasan ang aking luha bago nilingon ang aking kapatid na wala paring malay.

She's been coma for almost 1 month. Ni hindi na nga ako umuuwi para lang bantayan siya.

Araw-araw ding bumibisita ang mga kaibigan ko, at yung dalawa niyang kaibigan para tignan ang kalagayan niya.

Nabalitaan ko ding patay na si Mommy---- or should I stop calling her that way?

Pinaliwanag na sakin ni Iyah at Rhine lahat-lahat tungkol sa kapatid ko and I can't help but to amazed.

Hindi ako makapaniwalang nakaya niyang lagpasan lahat ng problema sa murang edad. Mga mahihirap na pagsubok na sinubok ang kanyang kakayahan.

At yung dahilan kung bakit niya hinarap ang mga problemang yun? Hindi ko maiwasang masaktan. Para yun samin ni Mom. Para protektahan kami. Pero ano itong ginawa at sinabi namin sa kanya?
I don't deserve her.

"Aki, please wake up." Naiiyak kong usal. "Miss na miss ka na ni Kuya. Please Come back to me, my princess!"

Hinawakan ko ang kamay niya at hinaplos yun sa pisnge ko.

Halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman ang paggalaw ng daliri niya.

"A-Aki...?"

Nanlaki ang aking mata nang unti-unting gumalaw ang mata niya at nanginginig siya.

W-Wait.. Anong nangyayari sa kanya?

"A-Aki!!!" Natataranta kong sigaw. "Tumawag kayo ng doctor!!!!"

Mas nataranta ako nang makita kong nangingisay na siya at tumitirik na ang kanyang mata.

"AKIIIII!!!"

MAFIA QUEEN IN DISGUISE (ON GOING)Where stories live. Discover now