-3rd Person's PoV-Mabilis tumakbo ang isang lalaki papunta sa canteen at dumiretso sa pwesto nila Zam.
"Boss Xander!" Hinihingal na sigaw nito.
Takang napalingon dito ang anim kasama na ang isang lalaking bagong lipat sa paaralan nila na pinsan ni Zam.
"Bakit? Anong kailangan mo?" Seryosong tanong ni Xander.
"S-Si Lastimosa. Y-Yung asawa mo, may binubugbog sa field!!!"
Nanlaki ang mata nung anim maliban kay Zam na na'ka poker face lang.
"ANO!?" hindi makapaniwalang ani ni Xander at nagmadali siyang tumayo.
Sumunod naman ang mga kaibigan nito at sabay silang pumunta sa field.
"Tabi!" Sigaw nito sa mga estudyanteng nagbubulong-bulongan para sumingit.
Nanlaki ang kanyang mata sa nadatnan na eksena.
Nakapaibabaw si Aki sa lalaking nakahandusay na at halos hindi na gumagalaw.
'A-Anong nangyari dito??' Mahinang tanong niya sa isip.
Hindi siya makapaniwalang si Aki ang may gawa niyon. Ni ang maglaro nga ng basketball, hindi niya inakalang kakayanin ng kapatid niya.
For him, his sister is just a spoiled brat na walang ibang alam kundi ang pakinggan ang sariling desisyon. Na hindi nakikinig sa kahit sino.
Pero ano itong nakikita niya ngayon?
Nang akmang susuntokin pa ng isang beses ni Aki yung lalaki ay lumapit na siya at pinigilan ang kapatid.
"AKI, STOP IT!!!" sigaw niya at hinila patayo si Aki.
Naglapitan naman si Jim, Kie, at Drew para tulongan yung walang malay na, na lalaki.
"Ano bang nangyayari sayo!?" Mahinahon pero mariing aniya sa kapatid.
Alam niyang napaka-moody nito, pero hindi niya naisipang kaya ng kapatid niyang manakit. Kahit naman may pagka-bitch ang ugali niyan ay mabait naman yan.
"Wag kang mangialam."
Gusto niyang manigas so sobrang lamig ng pagkakasabi niyon ni Aki. At sa paraan nito ng pagtingin. Tingin ng mga taong walang buhay.
Gusto niyang makaramdam ng kakaiba. Ano bang nangyayari sa kapatid niya?
Kahit kailan ay hindi pa niya nakikita itong umasta ng ganito."Halika na. Iuuwi na ki--------"
"SINABI NG WAG KANG MAKIALAM, KUYA!"
Nanlaki ang mata niya sa tinawag ng kapatid.
Hindi niya inaasahang sasabihin niya yun.
Kahit ang mga taong nandon ay nagulat. Lalo na ang mga kaibigan niya at si Zam. Maliban sa pinsan ni Zam na walang alam sa nangyayari dahil bago lang ito.