C H A P T E R 35

1.8K 57 0
                                    


-3rd Person's PoV-


Maya-maya lang ay biglang dumating si Iyah kasama si Rhine. Napatingin ang lahat sa kanilang dalawa.

"A-Aki ano yun?" Kinakabahang ani ni Iyah.

Hindi niya pwedeng tawaging Q.Q si Aki dahil na'sa publiko sila at maraming makakarinig.

"Ba't ang tagal niyo!?" Pasinghal na ani ni Aki sa kanila.

"T-Traffic kase." Mahinang ani ni Rhine.

"Kunin niyo ang taong yan." Patukoy ni Aki dun sa lalaking binugbog niya.

Nagtatakang nilingon yun ng dalawa at nanlaki ang kanilang mata nang makita ang itsura nito.

"A-Anong nangyari dyan?" Bulong ni Rhine kay Iyah pero maging ito ay walang alam.

"A-Anong gagawin n-namin sa kanya?" Nauutal na ani ni Iyah kay Rhine.

Matalim siyang tinitigan ni Aki kaya napalunok siya ng ilang ulit.

"Patayin niyo kung gusto niyo."

Nanlaki ang kanilang mata at nalaglag ang mga panga sa sinabi nito. Maging ang mga estudyanteng nakarinig ay natigilan at natakot.

"Malamang dalhin niyo sa hospital! Hindi pwedeng mamatay ang gag*ng yan!" Biglang ani nito kaya nakahinga sila ng maluwag. "Bantayan niyong maigi yan ha. Sa oras na makatakas ang hayop na yan, kayong dalawa ang ipapalit ko dyan."

Kahit natatakot ay sunod-sunod na tumango yung dalawa. Akmang aalis na  si Aki nang may maalala ito.

"Nasaan na yung pinahahanap ko sa inyo?" Mahinang tanong nito na silang tatlo lang ang makakarinig.

"N-Nasa hideout po Q.Q." mahinang ani ni Iyah.

Tumango lang si Aki sa kanya. "Anong ginamit niyo para makapunta dito?"

"Y-Yung sasakyan ni Rhine."

"Akin na ang susi."

Agad namang inabot ni Rhine ang susi kaya kinuha yun ni Aki."kayo na ang bahala sa mga estudyante dyan." Ani nito at akmang aalis na.

"Hoy! Saan ka pupunta!?" Sigaw ni Xander kay Aki.

"Sa empyerno. Sama ka?"

MAFIA QUEEN IN DISGUISE (ON GOING)Where stories live. Discover now