-Aki's PoV-Hindi ko alam na hindi lang pala babae ang chismosa, pati rin pala mga lalaki. Tsk tsk tsk.
Tumayo na ako at nilapag sa mini table yung box ng pizza.
"Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos!" Ani ni Kuya.
"I know. But I need to leave."
"Saan ka naman pupunta?" Tanong ni Kie kaya napalingon ako sa kanya.
"Somewhere, out there." Ngisi ko.
"Ang sabihin mo, pupuntahan mo lang yung lalaki kanina!" Nakangiwing ani ni Jim.
Plastic ko siyang nginitian. "Alam mo naman pala, bakit hindi mo nalang sinabi sa kanila para wala ng tanong-tanong diba?" Mataray kong sabi at inirapan siya.
"Saan mo ba siya pinadala?" Tanong ni Drew.
"Sa empyerno. Gusto mong isunod kita?" Napatahimik siya sa sinabi ko at nginusuan ako. "Alam niyo, kahit sabihin ko naman sa inyo ang totoo hinding-hindi niyo ako maiintindihan. Lalo ka na, Kuya!"
"Samahan ka nalang namin." Napalingon ako kay Zam dahil sa sinabi niya at parang biglang tinambol ang puso ko sa gulat.
"H-Huh?"
T-Talaga bang si Zam 'to? Bumait 'ata?
"Zam is right. Samahan ka na namin." Mas nagulat ako sa sinabi ni Reign. Once in a blue moon din kung magsalita ang isang 'to.
"Oo tama!" Sang-ayon ng iba pa.
Napatanga nalang ako habang nakatitig sa kanila.
***
"Good Morning, Boss." Magalang na ani nung guard pagkarating namin sa hospital.
Napapikit nalang ako habang mariing magkalapat ang aking mga labi.
"Boss?" Dinig kong gulat na ani ng mga unggoy na na'sa likod ko.
Hindi ko nga alam kung tama ba 'tong desisyon ko na isama sila dito. It just that, I trust them okay!
"Why are they calling you Boss?" Takang tanong ni Kuya.
Napabuntong hininga ako. "Because I am the owner of this hospital."
Ramdam ko ang pagtigil nila sa paglalakad kaya tumigil rin ako at hinarap sila.
O___O??--> reaksyon nilang pito with matching NGANGA pa!
"Yes, you heard it right. I am the owner of this hospital."
"W-What? But you're just 17! Pa'no nangyaring pag-aari mo 'to?" Takang ani ni Kuya.
I trust my brother very much. And I don't want him to be in danger but he needs to know the truth.
"You will know later." Sabi ko at dumiretso sa paglalakad.