C H A P T E R 41

1.8K 51 0
                                    


-Aki's PoV-

"I can't believe it! Kapatid mo pala siya Xander!?" Hindi makapaniwalang ani ni Kie kay Kuya.

Hinayaan ko muna silang magtalo at kinuha ang isang box ng pizza. Pinatong ko yun sa lap ko at nag-umpisang kumain.

"Oo siya nga ang kapatid ko 'pag hindi siya mukhang panget! Pa'no niyo nakilala ang kapatid ko?"

Natigil ako sa pagkain at napatingin dun sa apat. Lalo na kay Jaze. Anak ng... Subukan niya lang sabihin kung pa'no kami nagka-kilala. Maaga siyang pupunta sa langit.

"Sa Mall!" Sabay na sagot nila.

Nagtaka si Kuya sa sinabi nila at napatingin ito sakin. "Anong ginagawa mo sa mall?"

Sabihin niyo nga, bopols ba 'to si Kuya? "Ano bang ginagawa sa mall, ha?" Mataray na sabi ko sa kanya.

Inirapan lang ako nito at binalingan ang mga kaibigan niya. "Let just not talk about that, now. May kailangan pa tayong malaman." Ani nito at seryoso akong binalingan.

Tinaasan ko lang siya ng kilay habang subo-subo ang pizza ko.

"Pwede paki explain ang nangyari kanina?" Tanong nito.

Napatingin din sakin lahat nang may nagtatanong na tingin.

Hindi ko alam pero napalingon ako kay Zam. Aba't tinaasan lang ako ng kilay nitong unggoy na 'to. Inirapan ko nga.

Pa'no ko nga ba ipapaliwanag? Hmm....

Binaba ko yung kinakain ko at seryoso silang tinignan.

"Kuya, tell me...." Panimula ko. "Do you know what happen to Mom?"

Kumunot ang noo nito at nag salubong ang kilay.  "What happen to her?"

Pinagkatitigan ko siya pero nakikita ko sa ekspresyon niya na wala talaga siyang alam.

Napabuntong hininga ako. "Next question."

"Hoy Aki! Anong next question!? Sagutin mo yung unang tanong!"
Singhal ni Kuya.

"Tanong ba yun? Be specific Kuya!" Irap ko.

"Bakit mo ginawa yun?"

"Ang Alin?" Maang kong tanong. Just playing innocent.

"Yung ginawa mo sa lalaki! Ano yun!?"

"Kuya, sabihin mo nga sakin. Nabagok ka ba!? Bakit parang bumobo ka?"

"Pffttt." Pigil na tawa ng nga kaibigan niya.

"Malamang! E di binugbog ko yung tao! Naabutan mo naman diba!?"

-Kie's PoV-

Grabe! I can't believe it! Yung babaeng hinahanap-hanap ko, matagal na. Na'sa malapit lang pala at nakakausap ko pa!

Sobrang bilis nang tibok ng puso ko nang malaman kong hindi siya asawa ni Xander. I admit, I'm attracted to her pero iniisip kong mali yun dahil asawa siya ng kaibigan ko. Pero nung malaman kong 'HINDI PALA'? Biglang gumulo ang utak ko.

Pero may ikakagulo pa pala ng malaman kong iisa lang si Aki at ang babaeng nakasama ko sa pizza parlor noon.

"Malamang! E di Binugbog ko yung tao! Naabutan mo naman diba!?"

I can't help but to be surprise not just on her actions but also on how she speak. Mataray pero nakakatuwa.

"I know! Hindi ako bulag." Masungit na ni Xander. "What I mean is that anong rason mo para gawin yun!?"

Imbes na sagutin ng kapatid ay sumubo muna ito sa kinakaing pizza.

Grabe... Napakatakaw talaga. Haha.

"Bakit ko naman sasabihin sayo?" Nakataas ang kilay na ani nito. Bakit pakiramdam ko, kahit na magtaray siya ay cute parin siya sa paningin ko.

"Dahil Kuya mo ako!"

"So? Bawal ng magtago ng sekreto sayo?"

"Ang cute niyong magkapatid." Napalingon kaming lahat kay Jaze ng magsalita siya.

Isa pa 'to! How did she met Aki!?

"Hoy magnanakaw! Manahimik ka dyan kung ayaw mong palayasin kita dito!" Inis na ani ni Aki kay Jaze.

"Magnanakaw?" Takang tanong naming lahat.

" 'Wag nga kayong ususero. Psh!" Irap nito samin.

Taray talaga. Haha.

MAFIA QUEEN IN DISGUISE (ON GOING)Where stories live. Discover now