-Aki's PoV-
"Mom, si Kuya po kase..." Palihim akong napangisi nang mapahinto si Kuya Xander sa pagta-tap ng phone niya.
Nang mag-aangat na siya ng tingin ay nagkunwari akong nakanguso habang nakatingin sa kisame.
[What's with your brother?]
"Ahh Mom, kase si Kuya e ayaw akong payagang pumasok dun sa school na pinapasukan niya. Diba nag agree na kayo?"
[Yes baby, I already talk to the owner of that school. Pwede ka ng pumasok this Monday.]
"I know that Mom. Pero pa'no ako papasok kung ayaw ni Kuya? Simula po nung dumating ako dito, hindi niya po ako pinapayagang lumabas. Tapos lage niya po akong binu-bully." Pagsusumbong ko. "Tapos alam mo Mom? 'Pag nagigising ako ng madaling araw kase nagugutom ako, wala po si Kuya Xander sa kwarto niya. Ginu-gutom niya po ako dito."
O___O---> reaksyon ni Kuya.
[WHAT!? Ibigay mo nga sa Kuya mo ang phone at kakausapin ko!] Halatang galit na ani ni Mom.
Pffttt. Tinignan ko si Kuya at inabot sa kanya ang phone ko. "Kausapin ka daw ni Mommy. Yari ka!" Pang-aasar ko sa kanya.
Sinamaan niya muna ako ng tingin bago tinanggap yung phone. "Yes Mom?--- of course not!----matakaw lang talaga yang anak mo!---- no way!--- Whaaaat!?"
Kahit hindi ko naririnig ang sinasabi ni Mommy, feel ko maganda yun. Kita kase ang inis sa mukha ni Kuya e. Hahaha.
"Hindi siya pwede dun, Mom!---- No!---- Aish!" Inis na ani ni Kuya at pinatay ang tawag.
Nagulat pa ako ng binato niya sakin ang phone ko. Buti nalang nasalo ko agad.
"Oh Kuya? Anong sabi ni Mom?" Nakangising tanong ko.
"Tsh!" Inirapan niya lang ako at umakyat na sa taas.
Anyare dun?
Pero teka--- ibig ba sabihin nun, pumapayag na rin siya??? Well, wala nga naman siyang magagawa. Baby kaya ako ni Mommy kaya mas love niya ako. Haha. Damulag na kase si Kuya e.
I need to shopping now. Babush!