C H A P T E R 3

2.6K 66 0
                                    

-Aki's PoV-




Nandito na ako sa mall. Sumakay lang ako ng taxi dahil inutusan ko yung driver ko na dalhin yung mga gamit ko sa apartment na binili ko nang hindi nalalaman ni Kuya.

Hindi niya pwedeng malaman na aalis ako. At mas lalong hindi pwedeng mapahamak siya.

Nagpumilit ako kay Mommy na umuwi dito sa pilipinas dahil may gustong pumatay sakin. Hindi ako tumatakas dahil takot ako. Ayoko lang madamay ang pamilya ko. One person is enough.

Pumasok na ako sa loob ng mall at nagtingin-tingin sa mga boutique. I need to buy things that is needed for my disguise.

Yes, magpapanggap ako. Yung tipong kahit si Kuya, hindi ako makikilala.

Matapos mamili ng mga malalaking damit, yung tipong hindi talaga kasya sakin ay dumiretso ako sa make-up section.

Nang tapos na ako sa mga kailangan ko ay bigla akong nakaramdam ng gutom.

May nadaanan akong pizza parlor kaya pumasok ako dun at um'order ng 5 box of pizza for take out, 1 box of pizza for dine in with large coke.

Tulad ng sinabi ni Kuya, matakaw ako. Hahahaha.

Marami palang tao dito ngayon. Buti nalang nakakita pa ako ng  bakanteng table.

Maya-maya lang ay dumating na ang order ko. Nilagay ko sa katabing bangko yung limang box ng pizza at nilapag sa table yung isang box.

Habang abala sa pagkain ay may lalaking umagaw ng pansin ko.

"Excuse me? Pwedeng maki-share ng table?" Ani nung lalaking may ash brown na buhok. Gwapo siya kung tutuusin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Maraming bakanteng table bakit di-----"

Natigil ako sa pagsasalita nang makitang punong-puno na nga ang pizza parlor at halos wala ng maupuan ang lahat.

Napalunok ako at napapahiyang nag-angat ng tingin dun sa lalaki. "Fine! You can sit here." Pilit tinatarayan kong sabi.

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Nag-umpisa naman siyang kumain.

"Mag-isa ka lang pero isang box ang kinakain mo?" Natatawang ani nung lalaking na'sa tapat ko.

"Excuse me? Koya Close ba tayo ha?" Pagtataray ko.

Kung makipag-usap 'to. Dagukan kita dyan e. I hate strangers you know!

"Ang ganda nga, suplada naman." Dinig kong bulong ni Koyang Stranger kaya nilingon ko siya para samaan ng tingin pero nakangising nagpatuloy siya sa pagkain.

Arggghhh kaasar!

MAFIA QUEEN IN DISGUISE (ON GOING)Where stories live. Discover now