-Aki's PoV-"Hoy Kuya! Anong asawa asawa ang sinasabi mo dyan!?" Mataray na singhal ko kay Kuya ng iwan kami ng mga kaibigan niya.
Sinabi kase ni Kuya na hindi niya daw alam na nandito ako at kung bakit daw ako nandito kaya kailangan naming mag-usap. Parang ayaw pa ngang umalis ng unggoy na Zam na yun e.
"Hoy ka rin Aki! Baka nakakalimutan mong Kuya mo ako, kaya wag mo kong sigawan!"
"Pa'no kita hindi sisigawan e kung ano-anong sinasabi mo sa mga kaibigan mo! Hindi mo nalang sinabing kapatid mo ako. May pa asawa asawa ka pa, yvcks!"
"Anong yvcks!? Pasalamat ka nga't asawa ang pakilala ko sayo! E di kakainggitan ka pa ng lahat!"
"Like duh!? Bakit naman sila maiinggit? Isa bang karangalan ang maging asawa ng matandang katulad mo?" Pang-aasar ko.
"Oo, dahil gwapo ako!" Mayabang na aniya.
Parang gusto kong masuka. Yung tataa!
"Talaga lang ha? San banda?" Nakangisi kong tanong, nang-aasar.
Pagdating sa asaran naming magkapatid. Ako ang nananalo. Pikonin kase ang matandang bakla na yan e.
"Hoy Aki! Bakit nga pala ganyan ang itsura mo?" Pag-iiba ni Kuya sa usapan. Natahimik naman ako.
"Wala ka na dun." Sabi ko at nag-iwas ng tingin.
"Pffftttt!!" Pigil ang tawang aniya. "Ngayon! Sino sa tingin mo ang panget satin? Ako? O ikaw?" Pang-asar niya kaya napairap ako. "Kaya sabayan mo nalang ako sa pagpapanggap na mag-asawa tayo. That's the only way I can protect you here." Biglang sumeryoso Ang boses niya.
"Protect me from what?"
You don't need to worry Kuya. I can protect myself. Even you and Mom.
"From the Bullies!" Napangiwi ako ng pitikin niya ang noo ko. "Ano yung sinabi ni Zam kanina na, humiga ka raw sa basurahan?"
"Psh! Kung hindi naman dahil sa kanya..." Bubulong-bulong na sabi ko.
"Kung ayaw mong maulit yung pangyayaring yun o mas malala pa. Agree with my deal. O baka gusto mong isumbong kita kay Mommy na hindi ka sa bahay umuuwi ha!?"
O____O
"Aish! Fine!"
***
-3rd Person's PoV-
"Research is a scientific method of blah blah blah blah blah."
Habang abala sa pagtuturo ang teacher ni Aki sa practical research, ay nakatihaya naman siya at tulog na tulog sa upuan.
"Ma'am!" Natigil sa pagtuturo ang guro nang may nagtaas ng kamay. "Si Lastimosa po, natutulog sa likod at tulo laway pa po."
"BWAHAHAHAHAHAHAHA!" Tawanan ng buong klase.
Naka-cross arm na naglakad papalapit yung guro kay Aki.
"Ms. Lastimosa...." Mahinahong tawag ng guro kay Aki. "MS. LASTIMOSA!!!"
Napatalon si Aki sa gulat dahil sa lakas na sigaw ng guro kasabay nun ang malakas na paghampas sa katabi niyang upuan.
"Y-Yes Ma'am?" Tarantang tanong ni Aki.
"What is Quantitative and Qualitative research?"
"P-Po?"
"WHAT IS QUALITATIVE AND QUANTITATIVE RESEARCH!???"
![](https://img.wattpad.com/cover/211725232-288-k195468.jpg)