-Aki's PoV-Kanina pa ako naiirita kay Kuya sa paulit-ulit niyang tanong.
Like kung... 'Kumusta daw ako?' 'Okay lang ba talaga ang pakiramdam ko?' 'Ano daw ang gusto kong kainin?'
Yung tataa? Naka-unli ba siya?
"Dude, stop it." Putol ni Kie sa sinasabi ni Kuya na halos hindi ko na maintindihan kase binabalewala ko nalang. "Naiirita na si Aki sa mga tanong mo. Paulit-ulit nalang kase e."
Napatingin naman sakin si Kuya bago tumingin kay Kie. "Masama bang mag-alala sa kapatid ko? I just want to make sure if she's really fine."
"Okay na nga daw siya diba?" Sarkastiko na ani ni Drew. "Kanina ka pa e."
"Ba't ba parang galit kayo!?" Inis na ani ni Kuya at nagulat ako nang bigla itong tumayo.
Eh? Galit na agad siya nyan?
Napapakurap na tinitigan ko siya habang nakatingala.
"I didn't know masama na palang mag-alala ngayon para sa kapatid ko! Tsh." Ani nito at nagulat kami nang bigla siyang nag walk out.
Nagkatinginan kaming lahat at gulat na pinanood si Kuya na lumabas ng pinto.
*BLAAAG!*
Shems! Galit nga 'ata siya. Tsk tsk tsk.
"Ayan! Yari kayo~ ginalit niyo si bayaw!" Sabay-sabay kaming napalingon kay Jaze dahil sa sinabi niya.
Bayaw?
"Manahimik ka nga, bakla!" Singhal ni Jim kay Jaze.
Nanlaki ang mata ni Jaze sa sinabi nito. "B-Bakla? A-Ako Bakla!??? Baka gusto mo lang halikan kita!"
Yvcks! Baka dito pa mag halikan ang dalawang yan.
"Lalabas muna ako." Nabaling ang atensyon namin kay Zam nang magsalita siya.
"Where are you going?" Tanong ni Reign sa kanya.
"Susundan ko muna si Xander." Plain na ani nito.
Tinanguan muna nito ang mga kaibigan at halos mapatalon ang puso ko nang tumingin ito sakin.
Langya! Ano bang nangyayari sayo Aki? Don't tell me....
Oh my ghad! NO! That's very Imposible!"Magpagaling ka." Sabi niya habang diretsong nakatingin sakin bago ito pumihit patalikod at naglakad na palabas.
Napakurap-kurap pa ako ng ilang beses bago nag proseso sa isip ko ang sinabi niya.
Why Zam? Why a sudden change?
"Okay ka na ba talaga, Aki Babe?" Napalingon kaming lahat kay Jaze at sinamaan siya ng tingin.
"JAZE.....!?" Nagbabantang ani ng mga kaibigan niya.
Napakurap-kurap na napatitig si Jaze sa kanila bago ito kumaripas ng takbo papalabas na agad namang sinundan nila Kie.
Napailing nalang ako sa pagiging isip bata nila. Psh.
Pero kahit papano, I'm glad that they are my brother's friends. He's very lucky to have them.