-3rd Person's PoV-Nagpatuloy ang laban sa pagitan ni'na Aki, at ang grupo nila Zam sa mga lalaking naka-purong itim.
Marami na ang nadamay na tao. May mga sugatan at may mga nakahandusay at wala ng buhay.
'Talaga bang kailangan niyang damayin lahat ng tao, kahit inosente!?' Pigil ang galit na ani ni Aki sa kanyang isip.
-Xander's PoV-
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman habang patuloy na nakikipaglaban.
Kahit kailan hindi ako naduwag. Kahit kailan hindi ako nakaramdam ng kaba at kaunting takot. Ngayon lang! Hindi ko alam pero yun ang nararamdaman ko.
Nagtataka ako sa kinikilos at sinasabi ni Aki.
What does she mean about... 'No matter what I will know tonight, she hope that it won't change everything?'
Nagugulohan na ako! Maraming tanong na tumatakbo sa isip ko.
Like, why is this happening!? Bakit bigla nalang may sumabog? Sino ang nagtanim ng bomba? Sino ang mga taong kinakalaban namin ngayon? At bakit parang alam ni Aki na mangyayari 'to? Hindi siya makakapaghanda kung hindi.
Patakbo na sana ako pabalik sa mga kasama ko. Napalayo kase ako sa kanila kanina nung nakikipaglaban ako. Kaso bigla nalang akong natigilan.
"M-----Mom?" Gulat at hindi makapaniwala kong usal.
W-What is she doing here? K-Kailan pa siya dumating?
"Nice to see you again, my dear SON." Nakangising ani nito. Ngising nakakakilabot.
"M-Mom! Kailan ka pa dumating?" Tanong ko at akmang lalapit sa kanya pero nagulat ako nang bigla niya akong tutokan ng baril!
W-What's the meaning of this!?
"M-Mom....."
"Wag na wag niyo akong matawag na Mommy dahil hindi ko kayo anak!!!" Sigaw nito na ikinagulat ko.
A-Anong pinagsasasabi niya?
"M-Mom.... W-What are you talking about?" Napapalunok kong tanong.
"Ibaba mo ang baril mo." Walang emosyong ani nito habang nakatutok parin sakin ang hawak niyang baril. "IBABA MO!!!"
kahit nagugulohan at nagtataka, ginawa ko ang sinabi niya. She's still our Mom, kahit sinasabi niyang hindi.
"Lakad." Utos na naman niya. "LAKAD!!!"
-Aki's PoV-
Napatigil ako sa pakikipag-bakbakan nang matanaw ko si Kuya na naglalakad papuntang rooftop habang nakatutok sa kanya ang baril ni.... Fvck!
*Bang*
Napangiwi ako nang tamaan ako ng bala sa braso. Hindi ko namalayang nakatayo na pala ulit yung kalaban ko.
Biglang kumulo ang dugo ko at Nag-init ang aking ulo kaya agad kong kinuha ang dagger na nakalagay sa bulsa ng short na suot ko at walang alinlangang binato yun sa kanya na agad tumarak sa kanyang puso.
Mabilis kong pinulot ang dalawang baril at sinuksok yun sa aking tagiliran bago ako tumakbo papuntang rooftop habang hawak ang dugoan kong braso.
Dinig ko pa ang tawag nila Kie sakin pero hindi ko na sila nilingon at dumiretso sa rooftop.
'Subukan niya lang saktan ang kapatid ko..... Hindi ako magdadalawang-isip na itutok at iputok sa kanya ang bala ng baril na hawak ko.'