C H A P T E R 47

1.7K 56 0
                                    


-Aki's PoV-

Habang hinihintay si Jaze na dumating napatingin ang halos lahat sa may entrance ng canteen nang biglang magkagulo.

"LAHAT KAYO!!! 'WAG NIYO AKONG PAPAKIALAMAN!" sigaw nung lalaking estudyante at hin'ostage pa ang isang matanda ng guro.

Sinong may sabing may mangingialam sayo? Psh.

"Nako! Ano bang nangyayari dyan kay Jordan?"

"Hin'ostage pa talaga si Ma'am Audit ah!?"

"Balita ko, binagsak daw siya ng teacher na yan e!"

"Alam niyo namang, scholar lang yang si Jordan dito."

"Sayang, gwapo pa naman siya!"

Naisingit pa talaga yun? Tsk tsk tsk, talandi talaga.

Napairap nalang ako at iniwas ang paningin doon.

"J-Jordan, m-maawa ka sakin. Matanda na ako hijo." Dinig kong ani nung guro.

"Wala akong pake!!! Nang dahil sayo nawala ang scholarship ko!!!"

"Pare, stop that. Teacher parin yang tinututokan mo." Napalingon ako dun sa nagsalita at nakita ko si Reign na nakikipag-areglo dun sa lalaking tinawag na Jordan. "As the SSG President, put down that thing." Patukoy nito sa hawak na swiss knife.

"Ha!?" Singhal nung Jordan. "Palibhasa hindi niyo alam ang pakiramdam ng mga taong tulad ko! Ikaw, mayaman ka. Ako, gwapo lang."

Like, seriously?

Hindi ko alam kong matatawa ba ako o hindi e.

"PFFFTTTTTTTT!!!" pigil tawa nung mga estudyanteng nakarinig. Psh.

"S-Sige na hijo, bitawan mo na ako. Pakiusap! Babayaran kita ng pera kahit magkano ang gusto mo."

"Ha?! Hindi ko kailangan ang pera mo, Ma'am! I just want to finish my study in a school like this para may maipagmalaki ako sa pamilya ko. Pero anong ginawa mo binagsak mo ako!"

"Hindi kita ibabagsak kung nag-aral ka ng maayos."

Tsk tsk tsk. Bakit ganyan ang mga estudyante? Hindi sila mag-aaral ng maayos tapos sisisihin ang teacher kapag mababa ang grado.

May teacher naman na nagbibigay ng mababang grado Pero wala namang tinuro.

Why is that?

-3rd Person's PoV-

Sabay-sabay na napasigaw ang lahat sa canteen nang akmang sasaksakin ni Jordan yung guro pero biglang sumulpot si Jaze sa likuran nito at siniko siya sa batok kaya nasubsob si Jordan.

Ginawang pagkakataon yun ng guro para tumakbo sa exit pero binato ni Jordan ang hawak na swiss knife sa direksyon nito, buti na lamang nahila ito ni Kie kaya dumiretso yun kay....

"AKI!!!!" sigaw ni Jaze.

-Aki's PoV-

Ramdam ko na, na may patalim na papunta sa direksyon ko pero nanatili parin ako sa pwesto ko. Pake niyo ba?

"AKI!!!!" sigaw ni Jaze mula sa malayo.

Tumayo ako at sinalo yung Swiss knife. Napasinghap pa lahat sa ginawa ko pero hindi ko sila pinansin. Mabilis kong binalik yun sa pinanggalingan niya.

"Arggghhh!!!" Daing nung Jordan nang tumama sa braso niya yung swiss knife.

Nakapamulsang naglakad ako papalapit dun at huminto sa tapat nung Jordan.

"You know what, you can't blame someone anytime when something bad happen to you." Sabi ko at napatitig naman yung lalaki sakin. Alam kong maganda ako, pero hindi naman kailangan ipahalata. Haha. "Hindi ka bibigyan ng isang guro ng mababang grado kung pinagbutihan mo ang pag-aaral mo. Alam mo palang scholar ka, e di sana hindi ka nagcu-cut ng class diba?"

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"At hindi ka nila bibigyan ng mababang grado kung hindi ka palaging natutulog sa room niyo at nango-ngodigo sa klase kapag nag-quiz at wala kang naintindihan."

Mas nanlaki ang mata niya pero agad ding napayuko.

"You know what, it's not the teacher's fault nor you." Sabi ko pa. "Tama lang para sa isang katulad mo ang gawin ang mga bagay na yun kahit pa hindi maganda, para makapagtapos dahil gusto mong mai-ahon sa hirap ang pamilya mo. Pero mali yung sisihin mo yung gurong nagbigay ng mababang grade sayo, at mas mali yung mananakit ka pa ng kapwa mo dahil may nawala sayo."

Natigilan ako nang marinig ang mahinang hikbi ni Jordan.

Oh my god! I didn't mean to make him cry!

Hindi ako marunong mag comfort ng taong umiiyak kaya bahagya akong lumuhod at tinapik siya sa balikat.

"It's not yet the end, Jordan. Kakaumpisa palang naman ng klase, may 2nd, 3rd, at 4th grading pa, so pwede ka pang bumawi." Nakangiting sabi ko habang tinatapik ang balikat niya. "At kung nawala yung scholarship mo, I can give you one."

Gulat siyang nag-angat ng tingin sakin habang basang-basa pa ang pisnge dahil sa pag-iyak.

"I know you won't accept it nang wala kang binabalik na kapalit. But you can work for it."

"A-Ano namang t-trabaho?"

"Pag-igihan mo yung pag-aaral mo, para makapagtapos ka at makahanap ng maayos na trabaho para matulongan ang pamilya mo. That one is enough for me."

MAFIA QUEEN IN DISGUISE (ON GOING)Where stories live. Discover now