-Aki's PoV-Hindi ko alam kung pa'no kami nakauwi kahapon. Basta matapos kong sabihin kay Kuya na 'Gangster' kuno ako katulad nila, gulat na gulat siya at hindi makapaniwala.
Gabing-gabi na at nandito ako sa veranda ng kwarto ko. Hindi pa kase ako inaantok.
I suddenly remember the day when Daddy died.
*FLASHBACK*
10 years old palang ako nun. Nandito kami sa secret training area na pag-aari ni Daddy. Dito niya din sinasanay ang mga tauhang nagiging kasapi ng org.
"Dad, do you think I can be able become like you?" Tanong ko.
Nakaupo kami ngayon sa bench dahil nagpapahinga pa kami saglit.
Nilingon ako ni Daddy nang may ngiti sa kanyang labi. "Of course my princess, you can. Baka nga maging mas magaling ka pa kay Daddy e." Biro nito
Napangiti ako sa sinabi niya pero sa loob-loob ko nandon ang lungkot.
Pa'no kung hindi? Baka hindi ko ma-protektahan si Mommy at Kuya tulad ng gusto kong mangyari.
Kaya ako sumama kay Daddy at pumayag na turuan niya akong makipaglaban, humawak ng kung anong armas ay para protektahan ang mga mahal ko sa buhay laban sa mga masasamang loob.
"My Princess, promise me that no matter what happen hindi ka mandadamay ng mga inosente." Sinserong ani nito habang hinahaplos ang aking buhok. "It's okay to be merciless for those people na sa tingin mo wala ng karapatang mabuhay."
"But Dad, I can't say that they don't have the right to be alive. Si God lang ang may karapatang magsabi kung dapat ba mabuhay o hindi ang isang tao."
Napangiti siya sa sinabi ko. "I know that, my princess. But we belong on the world full of cruel and bad people's."
Napayuko ako. I'm still young, but I have many questions on my mind.
"But still, it's up to you how to handle things when you become the leader of our org." Nakangiting ani ni Dad.
Patuloy kami sa masayang kwentuhan nang biglang nagkagulo.
"KING! MY KING!!" sigaw ng isang tauhan habang tumatakbo papalapit sa gawi namin. "Sinusugod tayo ng ibang mga organisasyon!!!"
Nanlaki ang mata ni Daddy sa sinabi nito maging ako ay nagulat.
"Anak, magtago ka. Ngayon na!" Bakas ang pag-aalalang ani ni Daddy.
Kilala si Daddy bilang pinaka-makapangyarihan sa buong Underground Society kaya kahit kailan hindi ko pa siya nakikitaan ng takot. Ngayon lang.
"Hindi pwedeng malaman nang kahit sino na sinasanay kita, kaya kailangan mong magtago." Nagpapaintinding ani nito habang nakahawak ng mahigpit sa magkabila kong braso.
"B-But Dad----"
"NO BUTS AKI!!! NGAYON NA!!!" galit na sigaw ni Daddy.
Sa sobrang gulat ay napatakbo ako at nagtago sa lugar na hindi alam ng kahit sino at makikita ko pa ang nangyayari.
Maraming nagpasukan na tauhan at nilabanan yun lahat ni Daddy. Siya nalang kase mag-isa. Lahat ng tauhang sinanay wala na. Hindi pa sila ganon ka galing kaya mabilis silang napaslanv.
Kita ko na ang pagod sa katawan ni Daddy habang patuloy na nakikipaglaban sa mga hindi nauubos na kalaban.
I badly want to help him. Tatlong taon niya na akong sinanay kaya makakatulong na ako pero ayokong suwayin si Daddy.
*Clap Clap Clap*
Umugong ang isang marahang palakpak na unti-unting lumakas. Tinignan ko kung sino yun pero nahaharangan siya ng poste.
"Magaling, Magaling, Magaling." Marahang ani ng kung sino man yun.
"Napaka-walang hiya mo talaga!" Galit na sigaw ni Daddy dito.
"Oh~ I know that. I know that."
Nanlaki ang mata ko nang maglakad pa palapit kay Daddy ang taong yun at nakita ko si...
"T-Tito?" Mahinang usal ko.
S-Siya ang may kagagawan nito!?
"Alam mo Alex dapat kase sa bahay ka nalang, pahila-hilata, nagpapalaki ng bayag." Nakangising ani ni Tito. "Hindi ko nga alam ba't mo naisipang pumasok sa Mafia World, e hindi ka naman magaling. Lampa ka nga dati, remember?"
Nilingon ko si Papa na tagaktak na ang pawis at seryosong nakatitig kay Tito habang nakakuyom ang panga at kamao.
"You know what brother? DAPAT KA NG MAMATAY!!!"
Nanlaki ang aking mata ng putokan ni Tito si Daddy ng baril. Pero mas nanlaki ang mata ko nang hindi man lang umilag si Daddy at hinayaang tumama sa katawan niya ang sunod-sunod na putok.
"DAD!!!!" malakas na sigaw ko at lumabas saking pinagtataguan.
Gulat na nilingon si Tito sa pwesto ko at akmang babarilin din ako pero agad kong sinipa papunta sa ere ang dagger na nahulog nung tauhang lumapit samin kanina. At nang masalo ko yun ay agad kong binato yun ng walang pag-aalinlangan na agad tumarak sa puso nito.
Nanlaki ang mata nito habang nakatitig sakin bago unti-unting napaluhod at namatay. Kakaibang lason kase ang nakalagay dun nung si Daddy pa ang namumuno. Tatlong segundo lang patay na ang tatamaan.
"Dad!" Agad akong lumapit kay Daddy habang patuloy sa pagbuhos ang luha ko.
Binuhat ko yung ulo niya at hiniga yun sa lap ko.
"D-Dad please hold on."
Hirap na itong huminga at umuubo na rin ng d-dugo.
"M-M-My P-Princess." Nahihirapang usal nito at pilit inaabot nang kanyang kamay ang pisnge ko. "A-Always Remember na k-kahit mawala ang Daddy, M-Mahal na Mahal kita. K-Kayo ng Kuya mo."
"No Dad, please. Mabubuhay ka pa. Just hold on."
"G-Gusto ko na sa oras na malaman mo ang dahilan kung bakit ko hinayaan ang sarili kong mamatay, 'w-wag mong paiiralin ang galit at poot. I want you to be a leader with a good heart. Mahal na mahal ki--------"
Hindi pa man natatapos ang sinasabi niya ay tuluyan na siyang pumikit at unti-unti ng nalalaglag ang kamay niya na na'sa pisnge ko.
"No! No Dad Please! No! DADDY!!!"
*END OF FLASHBACK*
hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko dahil sa pagbalik tanaw sa nakaraan.
"Maybe, I didn't become a leader with a heart. But I will become a daughter who will choose love over everything."