-Aki's PoV-Patuloy ako sa paglalakad kahit hindi ko naman alam kung saan ako pupunta.
Tanging dilim ang nakapalibot sakin ngunit may nag-iisang liwanag sa dulo nitong tinatahak ko.
"AKI!!!" Napahinto ako at takang nilingon kung saan nanggaling ang boses na yun. Galing yun sa lugar na dinaanan ko. "AKI PLEASE! 'WAG KANG BIBITAW!!!"
Now I realize, that was my Kuya Xander's voice.
"K-Kuya..." Mahinang usal ko.
Maglalakad sana ako pabalik dun nang may biglang tumawag sakin.
"Aki.... Anak."
Natitigilan akong nilingon ang pinanggalingan ng boses na yun.
"D-Dad?" Nabasag ang boses ko nang makita ko si Daddy malapit sa liwanag at nakangiti siya sakin. "DAD!!!"
agad akong tumakbo papalapit sa kanya para sana yakapin siya ngunit ganon na lamang ang gulat ko nang bigla akong tumalsik.
W-Wait.... What's happening?
Muli akong tumayo at muling sumubok na lumapit kay Daddy ngunit muli lamang akong tumalsik.
Hindi ako bobo para hindi ma-realize na may harang sa pagitan naming dalawa.
"D-Dad..." Lumuluhang usal ko. "Dad, I miss you so much."
"Miss na rin kita, my princess." Ngiti ni Daddy sakin.
Sobrang saya ng mga mata niya. Parang walang pinagdaanan.
"D-Dad, c-can I come with you?"
Pagod na ako. All I want is to be with Dad, right now.
Wala na rin naman akong babalikan. Mom, is gone. I know that coz I'm the one who shot her. And Kuya is Mad at me. Kung mabubuhay pa ako... Mabubuhay lamang ako ng puno ng sakit at pagkamuhi sa sarili ko.
"Not yet, my princess. Hindi mo pa oras ngayon." Nakangiti paring ani ni Daddy.
"B-But Dad? I badly want to be with you."
"I know, my princess. I know." Ani ni Daddy. "Pero may mga kailangan ka pang gawin at harapin."
"D-Dad, I'm tired. Physically, mentally and emotionally, I'm tired."
"Susuko ka na ba, anak?" Nakangiting tanong ni Daddy. "Mababalewala lahat ng pinaghirapan mo kung sa simpleng pagsubok na 'to, susuko ka na." Dagdag niya pa. "I understand that you're already tired. Napakabata mo pa nung iniwan ko sayo ang responsibilidad ko sa inyo bilang Ama. Pero, anak? Think the people you will left behind. Your brother si not that strong as you. Ano nalang ang mangyayari sa kanya sa oras na mawala ka? Mabubuhay siya ng puno ng hinanakit at pagsisisi dahil hindi ka niya nagawang ipagtanggol. Gusto mo ba yun, anak?"
Natigilan ako sa sinabi ni Dad at napayuko.
"N-No." Mahina at nakayuko kong sagot. "I love Kuya over myself Dad. Kaya nga binuwis ko ang buhay ko para sa kanya. I want him to live peacefully. Yung walang iniisip na sakit."
"That's it." Ani ni Daddy kaya napatingin ako sa kanya. "Yan ang magiging motivation mo para mas gustohing mabuhay. Isipin mo nalang din ang mga taong nagmamahal sayo, hindi lang ang Kuya mo. You have your friends, ano nalang ang mangyayari sa kanila?"
Natigilan ako at napahawak ng mahigpit sa ulo ko nang bigla itong sumakit.
Ahhhhh!!!!
"Promise to Kuya that you will live forever with me okay?" Biglang sumagi sa isip ko yung mga panahong bata palang kami ni Kuya. "You're our princess and I'm your knight in shining armor. I can't just stand without doing nothing. Gagawin ko ang lahat para ma-protektahan kita."
"Promise!"
---
"Oh my! Oh my! Congratulation, our princess!" This is the time we're I become the grade 6 valedictorian in my batch.
"Thank you, Mom!"
---
"Isa.... Dalawa.... ULIT!!!" Ito yung mga panahong nagsasanay ako at paulit-ulit na nagkakamali.
Pagod na pagod na ako pero sa tuwing naiisip ko si Mommy at Kuya, lumalakas ang loob ko at mas lalo akong nagpupursige.
"Isa....dalawa...tatlo! VERY GOOD!!!"
---
"Q.Q..."
"Aki Babe!"
"Hey, Aki!"
"HOY PANGET!!!"
---
"Ngayon, anak? Alam mo na ba ang dahilan para mas gustuhin mo pang mabuhay?"
Napaangat ako ng tingin kay Dad at nginitian siya.
"Yes, Dad." Nakangiting sabi ko. "I just realize that a bullet from the gun is not the one who will take me down. Nakaramdam man ako ng panghihina para magdala sakin sa desisyon na ayoko ng buhay, mas marami parin ang dahilan para mas gustuhin kong mabuhay. At yun ay si'na Kuya at ang mga naging kaibigan ko sa mga panahong pakiramdam ko nag-iisa ako."