-Aki's PoV-I saw a guy crying and kneeling in front of Zam. He also have a pimples and round glasses like me.
What's wrong with him?
I don't know pero parang nag-aalala ako. Not on that guy but on Zam.
Alam kong madalas siyang galit, laging nakasigaw, at ayaw na ayaw niya sakin. But I never think na makakagawa siya ng ganito.
"Grabe, nakakaawa yung guy!" Dinig kong bulong ng isa sa mga babaeng katabi ko.
"Anong nakakaawa!? Tignan mo nga yang ginawa niya sa damit ni Fafa Zam!"
Damit? Tinignan ko yung damit ni Zam. Puti yun at may mantsa ng ice cream?
"Shrk. Pero ano kayang nangyari kay Fafa Zam? Mukhang bumalik na naman siya sa dating siya."
Dating siya?
"Oo nga. Naging ganyan din siya noon, nung iniwan siya ni Lauren."
Malungkot na ani nung babae at hindi na sila nagsalita.Lauren? Iniwan?
Hindi ko alam pero nagugulohan ako. Naging Mali ba ako nang isipin kong kilalang-kilala ko na siya?
"SAGUTIN MO AKO!!!" nanggagalaiting sigaw ni Zam at nagulat ako nung sinipa niya yung lalaki kaya nasubsob ito sa lupa.
Dumudugo na ang gilid ng mata nito dahil sa nabasag niyang salamin. I feel pity for him.
'Pag mga usapang away, ayokong maki-alam lalo pa't hindi naman ako kasali. Ayaw ko lang tawagin na paki-alamera pero kase.....
Agad akong napatakbo papalapit dun para pigilan ang akmang pagsuntok ni Zam sa lalaki.
"Ano bang problema mo!?" Mahinahon pero mariing sabi ko.
Hindi ako nangingialam para sa lalaking 'to. Kundi para patigilin si Zam. He's being nonsense!
"Huwag ka ngang mangialam dito panget!!!" Sigaw niya sakin at malakas na tinulak ako Buti nalang talaga na kontrol ko yung balanse ko kaya hindi ako natumba.
"You know what? You're being nonsense!" Sigaw ko sa kanya. "Napakababaw ng dahilan mo para bugbogin ang lalaking 'to! Parang natapunan ka lang ng ice cream, mananakit ka na!?"
"Ano bang pakialam mo!?"
Sa totoo lang, kahit kailan hindi pa ako natakot sa kahit ano o kahit sino. Pero bakit kay Zam!? Bakit kay Zam kinakabahan at bumibilis ang tibok ng puso ko?
Napalunok ako at pilit nilabanan ang matatalim niyang titig.
"Wala. Wala akong pakialam at wala akong karapatang mangialam. Pero kase sumusobra ka na Zam!" Sabi ko at bahagya siyang natigilan. "Tama bang bugbogin mo ang taong 'to dahil sa natapunan ka lang ng ice cream?"
"Sa tingin mo bubugbogin ko ang taong yan dahil sa ice cream lang?" Malamig na ani niya at tinalikuran na ako.
Natitigilang pinanood ko siyang naglakad paalis. At nagsi-alisan na rin yung mga estudyanteng nanood kanina nang may masamang tingin sakin.
Siyempre, mas papanigan nila si Zam kesa sakin. Hay.
"Miss, salamat nga pala ah."
Napalingon ako sa lalaking yun at nakita itong nakangisi.