-Someone's PoV-"Naka-ready na ba ang mga bomba?" Tanong ko saking anak.
"Yes, Mama." Sagot nito. "Sa loob ng sampong segundo, sasabog ang bomba'ng nilagay namin sa entrance ng venue."
"Mabuti kung ganon." Sabi ko. "Wag niyong hahayaang may makalabas, lahat dapat sila mamatay."
"Masusunod, Mama."
Napatingin ako sa entrance ng venue kung saan ginaganap ang acquaintance party ng Myst University at napangisi.
9.... 8....7....6....5
4....3....2.....
*BOOOOOOOOOMMMMMMM!*
-3rd Person's PoV-
Sabay-sabay na naghiyawan lahat ng estudyante na dumalo sa acquaintance party at nag-umpisa ng magkagulo nang sumabog ang bombang nakalagay sa may entrance.
'Anak ng!? Talagang sa entrance ang pinuntirya nila para walang makalabas ha! Nice strategy. ' inis na ani ni Aki sa kanyang isip pero palihim siyang napangisi. 'Pero mas matalino 'ata 'to sa inyo.'
Agad niyang hinubad ang suot na heels at akmang tatakbo nang pigilan siya ng kapatid niya.
"Where are you going!?" Inis na tanong ni Xander dito habang mahigpit na nakahawak sa pulsohan niya.
"Let me leave Kuya!" Pagpupumiglas ni Aki.
"No! Alam mong nagkakagulo tapos aalis ka!? Hindi pwede! Dito ka lang sa tabi ko!"
Sabay-sabay na nag datingan yung anim sa pwesto nila.
"What's going on!? Bakit may nag pasabog?" Tanong ni Drew at tinignan ang mga taong nagkakagulo.
"I don't know-----" hindi natapos ni Xander ang sasabihin nang biglang hiklatin ni Aki ang kamay nito mula sa pagkakahawak niya.
"I'm sorry Kuya."
"AKI!!!"
Wala ng nagawa si Xander nang tumakbo si Aki papuntang stage at pumwesto doon.
-Xander's PoV-
Sh*t! What the hell is she planning to do!?
Akmang susundan ko na ang kapatid ko nang bigla itong maglabas ng.... Wait what!?
"Saan niya nakuha yung sniper!?" Gulat na ani ni Jim pero hindi ko siya nagawang lingunin.
Nagugulat na napapatingin ako sa kapatid ko nang itutok niya yun sa may tuktok nitong event hall at bigla niya nalang yung kalabitin.
Sabay-sabay na Nanlaki ang aming mata nang may nalaglag na tao mula dun.
W-What The-----!??
Sunod-sunod na nalaglag ang mga taong na'sa kisame dahil sa sunod-sunod na pagpapaputok ni Aki.
"KUYAAAAAAAA!!!!!" dinig kong sigaw ni Aki.
Pero ang nanlalaki at gulat na gulat naming mga paningin ay natuon sa daan-daang taong nakasuot ng mga itim mula ulo hanggang paa at may mga dala itong baril.
Fvck!
![](https://img.wattpad.com/cover/211725232-288-k195468.jpg)