Chapter 3

1.4K 64 2
                                    

"Boss, hindi pa ba tayo uuwi?" Tanong no Nick na abala sa pagbunot ng damo. Kanina pa 'yan ganiyan. Ang dami na nga niyang nabunot.

Matapos ang maghapong klase imbis na umuwi ay pinili namin na manatili muna sa malawak na hardin ng Unibersidad.

"Umuwi kayo kung gusto niyo. Hindi ko naman paa ang mga paa nyo para hintayin pa ako umuwi bago kayo uuwi."

"Iwan niyo na nga iyan, hindi magandang emplowensiya ang lalaking iyan sa atin."

Matalim ang tingin na nilingon ko si Ayame na ngayo'y naglalakad na palayo. "Hoy babae! 'Wag mo akong tinatalikuran!" Sigaw ko sa kaniya ngunit nagsalampak lang ito ng earphone sa tainga na para bang walang narinig.

"Hahay boss, wala ka na naman bang jelly at kami naman ang pinag-iinitan mo ng ulo?" Tanong ni Henry. Nagtsk lang ako't tinalikuran siya.

"Oo nga pala. May laban ngayon at kailangan naroon tayong lahat." Ani Shera.

"Kayo na lang ang pumunta. Tinatamad ako." Agad na napatayo ako nang may sumipa sa pwet ko. Tinaliman ko ng tingin si... Ayame. Akala ko ba umalis na ito?

"You are the leader bastard so stand up, you are needed there." Nagtsk ako't tumayo hindi para sundin siya kung hindi para tumakbo."Daegan!"

Nilingon ko siya't binelatan. Ang lakas ng loob niyang saktan ako dahil best friends kami. Nakaramdam ako ng inis nang tumakbo rin siya palapit sa akin. Goddamn it! Dahil nga sa ayaw kong pumunta sa tinutukoy nilang pupuntahan namin ay tumalon ako sa mataas na bakod. Swabeng tumayo ako sa pinakatuktok at nginisian si Ayame na ngayon ay halos patayin na ako sa sama ng tingin na ipinupukol niya sa akin.

"Oh my dear Ayame, can't chatch me?" Tanong ko nang nakangisi. Ngumisi rin siya pabalik. Kumuha ng malaking bato at malakas na ibinato iyon sa direksiyon ko. "Holy f*ck! You b*tch!"

Mabilis na tumalon ako pababa saka tumakbo palayo ng Teodoro University ngunit... napatsk ako nang ang mga gang mates ko ang bumungad sa akin. Nagbuntong hininga ako. Hinding-hindi talaga ako makakatakas sa kanila.

"Fine. Sasama na ako." Sumusukong sabi ko.

Ngumisi si Ayame na sumulpot mula sa likuran nila. Nababagot na naglakad ako palapit sa kanila.

"Maglalakad na lang ba tayo boss?" Tanong ni Henry.

"Alangan namang buhatin ko pa kayo?" Pamimilosopo ko na ikinatsk nilang lahat. "Tutal malapit naman ang battle field ay magalalakad na lang tayo." Dagdag ko at sabay sabay na kaming naglakad patungo sa lugar kung saan magaganap ang gang fights.

Ako ang nangunguna. Ang tamad nilang boss. Kalmado ang mukha ko habang naglalakad ngunit deep inside ay naiinis ako dahil wala akong makain na jelly.




JUDY ANN's POV

"Die! Die! Die! Die! Die! Die! I want you to die!" Sigaw ng babaeng walang tigil na inaatake ako ng magkakasunod na suntok. Nagtsk ako. "I will kill you! How dare you kill my brother! I wi--"

Hindi niya natapos ang sinasabi nang iangat ko ang paa ko't malakas na sinipa ang mukha niya. At dahil sa lakas ng pagkakasipa ko sa kaniya ay malakas na tumilapon siya at tumama ang likod sa lumang pader.

Nababagot na pinaikot-ikot ko ang ilang hibla ng buhok ko sa hintuturo ko. Gusto ko lang naman sana maglakad lakad kaso ay bigla na lang sumulpot ang kuya niya sa harap ko para istorbohin ako kaya hayun, pinatay ko.

"Hindi ko alam kung saan ka humuhugot ng lakas ng loob para labanan ako. Tingnan mo nga ang sarili mo. Napaka hina mo. Ni isang butil ng pawis ay hindi ko man lang maramdaman."

The Ruthless Vampire Heiress (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon