Matapos kaming tanungin ng mga pulis tungkol sa nangyari ay pinuwi na rin kami. Gusto pa akong kausapin ng mga kaibigan ko ngunit pinili kong umuwi na lang. Nagi-guilty ako dahil pinagtakpan ko ang ginawa ni Judy ngunit hindi ko maintindihan kung bakit takot akong malaman ng iba ang tungkol sa totoong pagkatao niya kahit mukhang wala naman siyang pakialam kahit malaman pa ng buong mundo kung anong klaseng uri siya ng nilalang.
Isang bampirang walang puso.
Paniguradong kamumuhian siya ng lahat at kahit wala siyang pakialam ay may pakialam ako. Nailing na lang ako. Para akong tangang nagkakagusto sa kaniya na kahit nararamdaman ko ay wala siyang pakialam.
Ihininto ko sa gilid ang sasakyan nang muli na naman pumasok sa isip ko ang nasaksihan. .
Malalim akong nagbuntong hininga. Kaya ayaw kong mapalapit sa kahit sinong babae dahil natatakot akong ma-reject kagaya ng ginawa niya sa akin. Naglakas loob akong umamin dahil akala ko gusto niya talaga ako kaya niya iyon ginagawa. Akala ko may pakialam siya sa akin kaya siya sunod nang sunod, 'yon pala ay trip niya lang. Tsk, paasa. Kasalanan ko rin naman kasi umasa ako.
"Judy, what have you done to me?"
Nailing na lang ako sa sariling kahibangan at muling nagpatuloy sa pagmamaneho ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay agad na naihinto ko ang sasakyan nang bigla na lang may dumaan. N-nakasagasa yata ako.
Mabilis na bumaba ako ng sasakyan at pagtingin ko sa harap ng kotse ko ay halos mamutla ang buong mukha ko nang makitang may nasagasahan nga ako. Kitang kita ko ang unti-unting pagdaloy ng dugo mula sa ulo niya paagos sa kalsada.
Kinakabahang nilapitan ko ang lalaki sabay squat. Hinawakan ko siya sa balikat para paharapin sa akin ngunit hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari. Bigla na lang umangat ang kamay nito kasabay ng pagdaan ng matalim na bagay sa dibdib ko.
Agad na napaatras ako at gulat na napatingin sa lalaking dahan-dahang tumatayo habang dahan-dahan ding umaayos ang nabasag niyang mukha.
H-he's not a human.
Mabilis na inilabas ko ang baril nang bigla ay malahangin siyang tumakbo palapit sa akin. Mabilisan naman ang galawan ng kamay na binabaril ko siya sa ulo ngunit ang nadadaplisan lang siya at agad ding naghihilom.
Mabilis na itinabingi ko ang ulo nang bigla na lang siyang sumulpot sa harap ko at malakas na sinuntok ako. Gumanti ako sa pamamagitan ng paghampas ng likod ng baril sa ulo niya ngunit bago pa tumama ang baril ko ay bigla na lang siyang naglaho.
Agad na napatingala ako sa taas nang makaramdam ako ng presensya roon at naroon nga siya. Seryoso lang ang mukhang nakatingin sa akin.
Inilabas ko ang isa pang baril at pinaulanan siya ng bala ngunit bigla na naman siyang naglaho kasunod niyon ay ang pagtama ng katawan ko sa katawan ng malaking puno.
Malakas akong napadaing nang bumagsak ako sa lupa at parang may nabaling buto sa kanang paa ko. Akmang tatayo pa sana ako nang bigla na lang sumulpot ang lalaki sa harap ko.
Aatras pa sana ako ngunit mabilis lang niya akong nasipa dahilan para muling tumama ang likod ko sa puno at nang bumagsak ay napasinghap ako nang muli kong maramdaman ang matinding sakit sa kanang paa ko.
"You amaze me with your fast skills. However, you may be strong, but you are still a human. Your skills are nothing compared to mine."
Muli siyang naglaho at wala pang isang sigundo nang maramdaman ko ang paghampas ng ulo ko sa katawan ng puno na naging dahilan ng pagkawala ng malay ko.
JUDY ANN's POV
Nakaupo ako sa pinakamataas na sanga ng puno habang pinapanood kung paano pahirapan si Daegan ng lalaking iyon. May munting kaba at pag-aalala akong nararamdaman ngunit hindi ko siya matulungan dahil ang lalaking nagpapahirap sa kaniya ay walang iba kundi ang servant ni Kieran at kapag lumapit ako ay gagamitin naman nila siya laban sa akin at magiging komplikado lang ang lahat kapag mangyari iyon.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Vampire Heiress (Editing)
Narrativa generale⚠️18+ Judy Ann Quinoa is a beauty that everyone admires. She's also smart and good at what she does. But despite having good characteristics, others are also afraid of her because of her brutal personality and scary skills that no one wants to exper...