JUDY ANN's POVMatapos ang limang araw na paghihirap ko sa kamay ng mabuti kong kaibigan, naghihirap naman ako ngayon dahil pinatrabaho ng magulang ko sa akin ang trabahong hindi ko naman dapat tinatrabaho.
Parang batang nagta-tantrums ako dahil sa inis. Gusto ko na ngang makaalis sa Empire na ito kaso ito naman ang nangyari sa akin!
"What's with that frown on your face?" Tanong ni Amber na siyang kasama ko sa trabaho. We are cleaning the whole yard of the palace dahil mga wala naman daw kaming silbi.
"Are you happy doing this?" Tanong ni Lazarus na nagwawalis.
"Mukha ba kaming masaya?" Pambabara ni Mandy sabay irap sa akin. Hindi niya pa rin matanggap ang ginawa ko noon.
"Galit ka pa rin pinsan? Matagal-tagal na iyon ah?" Natatawang tudyo ko at inilipat ang bulaklak.
"Sinong hindi magagalit? Boyfriend ko 'yon." Nakasimangot niyang sabi.
"Sorry, akala ko kung sinu-sino lang." Natatawang sabi ko.
Nilingon niya ako at sinamaan ng tingin. "Tatawa-tawa ka riyan? At least hindi kagaya ng sa 'yo tao. Seriously? Tao? Sa rami ng bampira sa mundo tao pa ang napili mo?"
"Oo nga naman Judy, bakit tao pa? Akala ko ba ayaw mo sa kanila?" Sang-ayon ni Lazarus.
Nagkibit balikat ako. "Akala ko rin."
"Curious tuloy ako kung ano ang mayroon sa taong iyan."
Nilingon ko si Amber at tinaliman ng tingin. "Subukan mo lang gumawa ng kahit anong hindi maganda laban sa kaniya, puputulan kita ng kamay."
Tinawanan nila akong lahat.
"Mas lalo tuloy akomg naku-curious kung anong klaseng tao 'yan. Bihira lang ang mga nilalang na napapaamo ang isang Judy Ann Quinoa." Ani Amber.
Nagtsk ako at mabilis na ipinagpatuloy ang ginagawa.
"I want to meet him. I want to check what kind of person he is." Rinig kong sabi ni Mandy.
"I agree."
Tumigil ako sa pagdadustpan ng basura at nakapamaywang na hinarap sila. "Kayong tatlo, kapag may ginawa kayo sa kanya, malilintikan kayong lahat sa akin."
"Ang OA mo naman Judy, aalamin lang kung anong klase siyang tao. Tsaka hindi naman namin alam kung saan siya nakatira kaya sasamahan mo kami." Matamis ang ngiti sa mga labing sabi ni Amber.
"Magwalis na nga lang kayo. Kung anu-anong iniisip niyo." Akmang kukunin ko na sana ang basurahan nang may pumasok sa isip ko kaya hinarap ko sila. "Bakit nga pala kayo nagsipag-atras? Akala ko ba interisado rin kayo sa trono? 'Wag niyo sabihing natatakot kayo kay Kieran?" Pag-iiba ko ng usapan.
Nilaro ni Mandy ang walis. "Before Kieran had threatened me, I already made a decision to back out not because I am coward but after what happened to my boyfriend, that was when I realized that if you are badly interested with the throne you have to sacrifice someone's life first and be a stone hearted before you succeed."
"Kayo? Anong rason niyo?" Baling ko sa iba pa.
"Having the throne means having a huge responsibility. Your life will also in between death and live and in my case, I still want to live more. I am still young to end my life just because of the throne." Ani Amber at nagpatuloy sa ginagawa.
Nilingon ko si Lazarus. "Ikaw naman?"
Ngumiti siya. Pati ang mga mata niya ay nakangiti. "I realized there's something more interesting in life aside from winning the throne."
BINABASA MO ANG
The Ruthless Vampire Heiress (Editing)
General Fiction⚠️18+ Judy Ann Quinoa is a beauty that everyone admires. She's also smart and good at what she does. But despite having good characteristics, others are also afraid of her because of her brutal personality and scary skills that no one wants to exper...