Chapter 11

860 37 1
                                    

JUDY ANN'S POV

Nakatanaw ako sa papasikat nang araw nang bigla na lang may sumulpot na nilalang sa malaking bato ilang metro ang layo mula sa akin. Sinilip ko kung sino iyon sa gilid ng mata ko at ang kapatid ko lang pala.

"What do you want?" Tanong ko, nasa papasikat na araw pa rin nakatingin.

"You spent your night here?" He asked in disbelief.

"As you see, yeah, why?"

"I just can't believe it."

"Ano ang sadya mo?" Diretsong tanong ko.

"Mandy, just bring a noble vampire saying that he is qualified for the throne, and his majesty set up a meeting to announce about it." Tukoy niya sa pinsan ko na isa sa mga kakompetensya ko sa trono.

"When is the meeting?" Kalmado ngunit medyo balisang tanong ko. I need to be there before his Majesty gives the throne to Mandy so I can stop it as soon as possible. That throne is only for me.

"10 minutes from now."

Pagkasabi niya niyon ay agad na nag-teleport ako pauwi sa tahanan namin. Nagbihis lang ako walang oras maligo. Seryosong nag-teleport ako patungong palasyo.

Saktong pagdating ko sa royal meeting room ay ang siya ring pagdating ng mga pinsan ko at ng empress. Lahat ay narito na maliban sa emperador at ang pinsan kong si Mandy.

"Seriously, I can't believe Mandy just won the throne." Naiiling na sabi ng pinsan kong Lazarus sabay upo sa kaharap kong upuan. Mas matanda lang siya nang kaunti sa akin.

Tahimik namang naupo si Kieran ang nakakatanda naming pinsan sa tabi ni Amber ang pinakabata naming pinsan.

"I can't accept it!" Nagta-tantrums na sabi ni Amber.

"Relax, hindi pa naman natin nakikita ang ang bampirang dinala niya sa palasyo ." Walang emosyong ani Lazarus.

"Anong relax! Paano ako magre-relax! My parents are expecting me to win the throne! Ano ang mukhang ihaharap ko sa kanila ha? Sabihin mo nga?" Mangiyak ngiyak na sigaw ni Amber.

Malakas na nagbuntong hininga si Lazarus at malungkot na ihinilig ang ulo sa lamesa. Imbis na pansinin sila ay pinili kong manahimik.

Lahat kami ay puno ng sama ng loob na tiningnan ni Amber. "Paano niyo nagagawang kumalma sa ganitong klase ng sitwasyon!"

Tinapunan lang namin siya ni Kieran ng tingin.

Ilang sandali lang ang lumipas ay dumating na ang mga hinihintay namin kaya ang kaninang pag-iingay ni Amber ay agad na natigil at nagseryoso.

"Good morning my dear granchildrens." Panimula ni lolo. "I already decided that, from now on, Mandy and Blade, the qualified vampires from a noble family, will be the next Emperor and Empress of the..."

Bago pa matapos ng emeprador ang kaniyang sinasabi ay mabilis na inagaw ko kay Amber ang kutsilyong pinapaikot niya sa kamay at mabilis na inatake ang emperador daw ni Mandy. Naalerto ang lahat dahil sa ginawa ko. Mabilis naman ang naging pagkilos ni Blade ngunit mas binilisan ko pa ang pagkilos at mabilis siyang pinutulan ng ulo. Ngunit dahil bahagya pa siyang nakaatras ay tanging ang lalamunan lamang niya ang naputol sapat na para mamatay siya. Bumulwak ang dugo niyo sa sahig kasabay ng pagbagsak niya at ang pagtutok sa akin ng mga matatalim na katana at baril ng mga pinsan ko habang seryosong nakaupo lang ang emperador at empress pati si Kieran.

Nagtsk ako't ngumisi. "What are these for?" Inosenteng tanong ko. Tinutukoy ang mga patalim nina Amber at Lazarus pati ang baril ni Mandy na nakatutok sa akin .

The Ruthless Vampire Heiress (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon