"Daegan, hindi ka pa ba tapos?" Tanong ko kay Daegan mula sa labas ng kuwarto niya.
"Hindi pa tapos si Daegan?" Tanong ng ina niyang dumaan sa tapat ng kuwarto ni Daegan.
Pagsapit ng gabi ay sinamahan na muna niya akong magbihud sa unit ko bago kami pumunta sa bahay nila para makapagbihis siya ngunit hindi ko alam kung bakit mag-iisang oras na at para siyang babaeng hindi maalis-alis sa kuwarto niya.
"Hindi pa rin eh." Naiinip kong tugon.
Kumunot ang noo ng ina ni Daegan sabay sipa sa pinto ng kuwarto ni Daegan na halos ikatalon ko sa gulat. Nilingon niya ako't nginitian. Pilit na ngiti lang ang itinugon ko.
"Hoy Daegan! 'Wag mo ngang pinaghihintay si Judy! Lumabas ka na riyan!"
"Mom! Naghahanap pa po ako ng bagay sa akin!"
Nahilot ko na lang ang sentido dahil sa narinig. Ang ina naman niya ay muli akong nilingon at pilit na nginitian. Gumanti rin ako ng pilit na ngiti. Kapag hindi pa talaga lalabas iyang lalaking iyan ay papasukin ko na ang kuwarto niya.
"Pagpasensyahan mo na, hindi naman ganyan 'yan. Kapag may pinupuntahan; ilang minuto lang ay tapos nang magpalit." Biglang ngumiti ang ginang na ipinagtaka ko. "Baka nagpapagwapo para sa 'yo." Kinikilig na na sabi niya't iniwan ako.
Nailing na lang ako. May pagkakatulad talaga sila ng ina niya. Maraming minuto pa ang lumipas at kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Daegan na agad kumindat nang magtama ang mga mata namin.
"Para kang babaeng inaabot ng ilang oras bago matapos." Walang ganang sabi ko sabay talikod sa kaniya.
"Nagpapagwapo lang ako para ako lang ang makikita mong natatanging gwapo sa partyng iyon." Puno ng kumpyansang sabi niya.
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa taas ng tingin niya sa sarili. "Anong guwapo? Mukha ka pa rin kayang addict."
Rinig ko ang mabilis niyang mga hakbang sabay akbay sa akin kaya mabilis na binura ko ang ngiti.
"Judy, hindi mukhang addict 'to kundi mukhang gorgeous."
"Nasubukan mo na bang magpaitim ng buhok?"
"Hindi. At wala akong balak dahil naniniwala akong walang makakapantay sa kaguwapuhan ko dahil sa natural na mapula ko nang buhok."
"Puro ka guwapo eh pangit ka naman."
Umiling-iling siya. "Kung hindi lang ako matalino ay iisipin kong nilalait mo ako pero dahil matalino ako ay alam kong pangit ang katumbas ng salitang guwapo."
Nilingon ko siya. Lumingon din siya sa akin sabay kindat na ikinailing ko.
"Wow... nagbinata ka na ba Daegan at sa wakas ay nagka-girlfriend ka na rin?"
Napalingon kami sa nagsalita at pareho kaming natigilan ng babae nang magtama ang mga mata namin. Just like her parents and Daegan, there's something with her that I couldn't define.
"Ano namang pakialam mo ate?" Masungit na tanong ni Daegan sa ate niyang may buhat na bagong silang na sanggol.
"Wala naman akong pakialam. Namamangha lang ako. Rody! Look at Daegan! He brought a woman into our house!"
Ilang sandali ang lumipas ay may lumapit na lalaki sa ate ni Daegan at gulat ang agad na bumakas sa mga mata niya nang makita ako. Hindi ko alam kung gulat ba dahil sa kasama ako ni Daegan o gulat na kakaiba. Bakit parang lahat ng miyembro ng pamilya niya ay kakaiba? Hindi ko maipaliwanag kung ano sila. Hindi sila tao pero hindi ko rin naman masabing bampira sila.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Vampire Heiress (Editing)
General Fiction⚠️18+ Judy Ann Quinoa is a beauty that everyone admires. She's also smart and good at what she does. But despite having good characteristics, others are also afraid of her because of her brutal personality and scary skills that no one wants to exper...