2 hours ahead
DAEGAN's POV
I don't know what to do. Habang lumilipas ang mga oras ay mas lalo akong hindi mapakali. Nag-aalala ako kay Judy ganoon na rin sa mga gangmates ko.
Napatingin ako sa relo na nakasabit sa dingding. Tapos na ang laban. Sino kaya ang nanalo? Ang tanong lumaban kaya ang mga ka-gang ko?
Inis na ginulo ko ang buhok at muling naghanap ng malalabasan.
"Aghhh!" Puno ng pagkasiphayong sigaw ko dahil kahit anong pilit ko ay hindi talaga ako makalabas. Sumasabay pa ang pagnanasa kong kumain ng tao!
"Malas malas malas!"
Sinapo ko ang mukha at habang lumilipas ang bawat segundo ay mas lalong tumitindi ang pag-aalalang nararamdaman ko. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Mababaliw na yata ako nang wala sa oras.
"How have you been?"
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang marinig ang boses na iyon. Gulat na nilingon ko kung sino ang nagsalita at mas lalo akong nagulat nang makita si Hinami. Binuksan niya ang ref at may inilagay siyang nakagarapong kahit hindi ko itanong ay alam ko na kung ano.
Nagbaba ako ng tingin. I am so disgusting. Nagbuntong hininga ako at tinignan siya. "Where is she?"
Natigil siya sa paglalagay ng mga tupperware sa ref tapos ay mabigat na nagbuntong hininga. "Are you hungry?"
Sa inaakto niya ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Kabang may halong takot. "Where is she Hinami?"
Nilingon niya ako kasabay ng pagtulo ng luha sa mata niya. "She's dead. They burned her."
Pakiramdam ko ay parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko dahil sa narinig. Bahagya kong tinapik ang pisngi ko baka nananaginip lang ako ngunit hindi.
Pilit akong ngumiti. "Hindi mamamatay 'yon. Si Judy iyon eh. Hindi niyon hahayaang mawakasan ang buhay nang ganoon lang." Pangungumbinsi ko na imbis na para sa kanya ay napunta sa akin.
Napayuko ako at nasapo ang ulo ko nang magsimulang tumulo ang mga luha ko. "It's all my fault. I put her on that situation. I wanna kill myself. I am so f*cking useless."
Rinig ko ang pagbuntong hininga niya. "She said I'm sorry and she really loves you." Muli siyang nagbuntong hininga. "Please take care of that life you have. Continue living and make sure to survive because she was gone because of that."
Nag-igting ang panga ko habang ang luha ko ay wala pa ring tigil sa pagtulo.
"Anyway, these are for you. Sikapin mong pagkasyahin iyan sa loob ng isang buwan dahil hindi kita puwedeng bisitahin araw-araw dahil kapag ginawa ko iyon ay matutunton nila ang kinaroroonan mo." Rinig ko ang paglalakad niya palapit tapos ay tinapik ang balikat ko. "Live Daegan. All she wants you to do is to survive." Pagkasabi niya niyon ay agad siyang naglaho.
Tumayo ako at inis na sinuntok ang pader. "Damn it!" Muli kong sinuntok ang pader dahil sa sakit na nararamdaman. I can't accept it. My Judy, my wife. "Ahhhhh!" Magkakasunod na sinuntok ko ang pader ngunit sa huli ay napaluhod din. Pakiramdam ko ay biglang nanghina ang katawan ko. Pakiramdam ko ay parang namanhid ang puso ko.
I can't accept it! Sinapo ko ang ulo habang parang tubig na umaagos ang mga luha ko. Sobrang sakit. Parang nawawasak ang puso ko. Hindi ko matanggap!
Tumayo ako at inilibot ang tingin sa buong silid tapos ay dumako ang tingin ko sa kama. Biglang tumigil ang pagluha ko nang makita ko siyang nakaupo sa gilid at nakangiti sa akin.
Mabilis na nilapitan ko siya at niyakap ngunit tanging hangin lang ang nayakap ko dahil imahinasyon ko lang pala iyon.
"Damn it damn it damn it! Why do we have to experience this pain!"
Ayaw kong tanggaping wala na siya. Ayaw tanggapin ng isipan kong wala na talaga siya na hindi ko na makikita ang ngiti niya na hindi ko na siya mayayakap. Ayaw kong tanggapin na ang taong minahal ko nang sobra ay magiging alaala na lang.
Kinuha ko ang unan na madalas niyang unanan at niyakap iyon nang mahigpit. "My wife... damn... I can't... I don't know how... please come back to me..."
Ibinaon ko ang mukha sa unan niya at mas lalong umagos ang mga luha ko nang maamoy ang amoy niya. F*ck!
Tinuyo ko ang luhaan kong mata at malakas na nagbuntong hininga. She told me to continue living. Para sa kaniya, mabubuhay ako. Tama.
Tumayo ako at pumunta sa ref. Kumuha ng bote at binuksan iyon saka ininom lahat ng laman. Mabubuhay ako. Kailangan kong mabuhay para sa kanya. Nang maubos ko ang laman ng bote ay isinara ko ang ref at napasandal doon.
Damn life... why do you have to be this harsh to me?
Napaayos ako ng tayo nang may magsisulputan sa harap ko at ang dami nila kaya hindi ko maiwasang hindi mabahala.
"S-sino kayo?" Naaalertong tanong ko.
Yumuko silang lahat na ikinatigil ko. Para bang sa klase ng kanilang pagyuko ay nakakataas ako at dapat na igalang. Ilang sandali lang ay umayos din sila ng tayo.
May lalaking bahagyang yumuko sa harap ko tapos ay muli ring umayos ng tayo at sinalubong ang tingin ko. "I am Billie and his majesty send us here to fetch you young master."
"Majesty? Young master? No! I won't let you take me away from this place!"
Sinubukan kong tumakas ngunit isang bagay ang tumarak sa leeg ko dahilan para mawala lahat ng lakas ko. Gulat na napatitig ako sa lalaki. Bumuka lang ang bibig ko ngunit ilang sandali lang ay nagdilim na ang paligid ko.
SOMEONE's POV
Nakangiting naglalakad ako sa dalampasigan habang ninanamnam ang masarap na simoy ng hangin. I really love this place. So fresh.
Tinanaw ko ang papalubog nang araw tapos ay ibinaling ang tingin sa harap at napatalon ako sa gulat nang bigla na lang may umuusok na bagay ang bumagsak sa harap ko.
Kinakabahang nilapitan ko iyon at ganoon na lang ang gulat ko nang makitang isang nilalang na sunog ang buong katawan ang bumungad sa akin.
Umangat ang kamay nito at hirap man ay pinilit niyang idilat ang mga mata. "P-please h-help me."
Marahang humakbang ang paa ko paatras dahil sa takot. Pulang pula ang mga mata niya at umuusok ang buong katawan niya. Mabilis na tumalikod ako at nagsusumigaw na tumakbo palayo para humingi ng tulong.
THE END
Chill lang kayo. May book two pa. XD
Title ng book 2 "Her Cruel Return"
BINABASA MO ANG
The Ruthless Vampire Heiress (Editing)
General Fiction⚠️18+ Judy Ann Quinoa is a beauty that everyone admires. She's also smart and good at what she does. But despite having good characteristics, others are also afraid of her because of her brutal personality and scary skills that no one wants to exper...