JUDY ANN's POV
Madaling araw na. Maraming oras na rin ang lumipas mula nang bawian siya ng buhay ngunit imbis na ibigay siya sa pamilya niya ay heto't narito pa rin kami sa hidden place ko. Nakaupo pa rin ako sa kama at mapait na nakangiti habang nakatitig sa walang buhay na mukha ni Daegan.
My eyes swollen because of none stop tears that keeps coming out from my eyes but I don't no how to hold them back. Parang may mga sariling buhay ang luha kong patuloy na lumalabas sa mata ko. I want revenge. I want to kill all the vampires involved in his death but I'm afraid to leave him. It feels like if I leave him now I may lose his lifeless body.
Nanginginig na yumuko ako at hinalikan ang walang buhay niyang mga labi tapos ay pinilit ulit ngumiti at tinitigan siya.
"I promise, I will never leave you. I won't let them take you away from me." Wala sa sariling sabi ko at matamis na ngumiti at muling hinalikan ang malamig niyang labi na mas lalong nagpapawasak sa wasak ko nang puso dahil isa ito sa dahilan na nagsasabing hindi ko na siya ulit makikitang ngumiti.
Nasapo ko ang mukha ko nang muling magsunod-sunod sa pagtulo ang mga luha ko. Sobrang lamig ng kamay kong nanginginig pa rin. It really hurts damn it! I don't know what to do anymore. I... don't know if I still want to live. Pakiramdam ko ay nakadepende na sa kaniya ang buhay ko kaya ngayong wala na siya pakiramdam ko ay patay na rin ako.
Hirap man ay pinilit ko siyang hilahin at ihiga sa unan tapos ay nahiga rin ako sa tabi niya. Hinawakan ang malamig niyang kamay at pinagsalikop ang mga daliri namin.
Nanginginig ang labing ngumiti ako sa kaniya. "We used to sleep like this right? You love hugging me while we lay down on the bed right? So open your eyes. I-I want to see th-them spark with adoration. I-I w-want to see you smirk. C-Com'on Daegan, don't just s-sleep there. I-I want to hear you s-say you love me. C-com'on. Look at me in the eyes as if I am just the only woman you want to stare. You bastard... why did you leave me..."
Hinila ko siya palapit sa akin. Ipinatong ang malambot niyang braso sa katawan ko at isiniksik ang sarili sa kaniya. I buried my face on his chest as I hugged him as tight as I could. Wala akong pakialam sa maraming dugo sa dibdib niya. Wala akong pakialam kahit sabihin pa ng lahat na nababaliw ako dahil niyayakap ko ang taong patay na. Wala akong pakialam. I don't want to let him go. I am selfish. I have no plan to give him to anyone. This lifeless body of him will stay with me.
Marahan akong lumayo nang may maalala. Kahit pakiramdam ko ay walang lakas ang katawan ko pinilit kong bumaba ng kama at tinungo ang ref. Kinuha roon ang isang garapon niyang Jelly tapos ay bumalik din sa tabi niya. Naupo ako at pinaupo ko rin siya sa pamamagitan ng pagdagdag ng unan sa likod niya.
"Daegan oh, binili ko 'to sa 'yo kahapon kasi alam kong paborito mo 'to. Hindi ko pa 'to nabubuksan kasi alam kong ayaw mong giangalaw ang mga Jelly mo. Kaya tumigil ka na sa pagtulog diyan. S-sige ka, k-kainin ko 'to lahat at wala akong ititira. Huy Daegan, sumagot ka naman."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang magsunod-sunod sa pagtulo ang luha ko. Hindi ko matanggap. H-hindi ko matanggap. Ayokong tanggapin. Hindi ko kaya. Ang sakit.
Marahas na pinunasan ko ang mga luha at marahas ding nagbuntong hininga dahil pakiramdam ko ay hindi ko na kayang huminga.
Marahan na humiga ako patagilid at ginawang unan ang mga hita niya. Inabot ang walang buhay niyang kamay at mahigpit iyong hinawakan habang yakap yakap ang Jelly niya.
Muli akong nagbuntong hininga nang mas lalo pang bumigat ang dibdib ko habang nakatitig sa nangingitim na niyang mga labi na sanay akong makitang palaging nakangisi.
Itinabi ko ang Jellyng yakap at tinitigan ang mukha niyang kahit puno ng pasa at may mga dugo pa ay hindi ko magawang mandiri. Pakiramdam ko kahit ano pa ang maging itsura niya ay ang mukha pa rin niya ang gusto kong titigan.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Vampire Heiress (Editing)
Ficción General⚠️18+ Judy Ann Quinoa is a beauty that everyone admires. She's also smart and good at what she does. But despite having good characteristics, others are also afraid of her because of her brutal personality and scary skills that no one wants to exper...