Chapter 9

874 52 2
                                    

Magaan ang pakiramdam habang naglalakad ako patungo sa department namin nang matanaw ko si Daegan kasama ang mga kaibigan niya.

Napangiti ako. Malalaki ang hakbang na hinabol siya at inakbayan na ikinalingon sa akin ng mga kaibigan niya maging ang inakbayan ko na ngayon ay matalim na agad ang tingin na ipinukol sa akin.

"Ikaw na naman?" Nag-iigting ang pangang bulong niya.

"I'm Judy Ann Quinoa everyone, Daegan's Girlfriend." Nakangiting anunsyo ko sa lahat imbis na pansinin ang matalim na titig ni Daegan.

Natigil sila sa paglalakad. Bakas ang gulat sa kanilang mga mata habang nagpapabaling baling ang tingin sa akin at kay Daegan samantalang ang taong kaakbay ko ay napasinghap at kaunti na lang ay uusok na ang ilong sa galit.

"Girlfriend?" Sabay sabay nilang tanong na para bang isa iyong nakakagulat na balita.

"What! She's not my girlfriend!" Tanggi ni Daegan na halos ikatakip ko sa tainga dahil sa lakas ng boses niya. Napangiwi naman ang mga kaibigan niya.

"Alam kong maaaring hindi kayo maniwala. Well, ang lalaking ito ay ikinakahiya ako kaya hindi niya magawang ipakilala ako sa inyo."

"Kailan kita naging girlfriend?" Lumalaki ang butas ng ilong na tanong ni Daegan.

Para pakalmahin siya ay mabilis na hinalikan ko siya sa pisngi na ikinasinghap niya maging ng mga kaibigan niya. "He is so bad, isn't he? He's hiding me from others." Nagkunwari pa akong nalulungkot sa sinabi na ikinaigting ng panga ng kaakbay ko.

Magsasalita pa sana si Daegan para tumanggi na naman nang sumingit na ang kahawig ni Gaby. "It's really okay Daegan, you don't have to deny it."She smiled, even though it could be seen in her eyes that she knew something. "I'm Ayame, by the way, Gaby's older sister, and this is Shera and her cousin Francis." Pakilala niya saiba pa niyang mga kaibigan.

"Glad to meet you." Ani Shera nang may pilit na ngiti.

"Pleased to meet you." Nakangiting sabi ni Francis at nakipagbeso sa akin. "Nga pala, iwan na natin si boss at may mga aasikasuhin pa tayo hindi ba?" Baling niya sa iba

"A-anong..."

Hindi na naman natapos ni Daegan ang sinasabi nang pigilan siya ni Fr. "It's really okay boss." Sinenyasan niya ang ibang iwan kami na siya naman nilang ginawa kaya naiwan akong kasama ang lalaking ito na hindi maipinta ang mukha.

"Bakit mo sinabing girlfriend kita kahit hindi naman talaga!" Napangiwi ako nang sumigaw siya sa mismong tainga ko sabay layo.

Natutuwang nilingon ko siya. "Why? Don't you like it? Aren't you glad to be my boy..."

"Hindi! Hinding hindi!" Sigaw niyang muli sabay lakad palayo.

Naiwan akong nakangiting nakatanaw sa kaniya. He's so adorable. "See you later boyfriend!" Sigaw ko na marahas niyang ikinalingon tapos ay namumula ang taingang nagpatuloy sa paglalakad.

Iiling-iling na tinahak ko ang ibang daan para makipagkita sa aking kaibigan. Habang naglalakad ay rinig ko ang bulungan ng mga estudyanteng nadadaanan ko. Hindi simpleng bulong lang dahil rinig na rinig ko ang kanilang usapan.

"Everyone wonder why he died. Wala ring dugo sa katawan niya na ipinagtataka ng lahat."

"His camera was broken. Kailan man ay hindi ko inisip na hahantong siya sa ganoong sitwasyon. I mean he's a good guy. He never bully anyone."

"Maybe a bad spirit killed him?"

Rinig ko ang pagtawanan ng grupo ng kababaihang iyon dahil sa huling sinabi ng isa.

The Ruthless Vampire Heiress (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon