Chapter 37

522 21 2
                                    

"Poor you, you can't even move your legs." Pang-aasar ng mabuti kong kaibigan.

"And thank you very much." Sarkastikong sabi ko.

"What it feels to be useless?"

Sarkastiko akong tumawa. "Wonderful."

She smirks at me. "And how it feels to be weak?"

Inirapan ko siya. "Amazing."

"And what did you learn?"

Kinunutan ko siya ng noo. "Ano namang matutunan ko? May kailangan pa ba akong matutunan?"

"Ang aral diyan, wag mong saktan ang mga mahihina kasi may pakiramdam din sila. Tulungan mo imbis na itinutulak mo pababa."

"Tsk, I thought you don't care about those creatures?"

"Yeah but I never bully them."

"Nonsense. Ang dapat mong sabihin, 'yang mga mahihina kailangan nilang masaktan, mainsulto at maibaba para matuto silang lumaban. Tsk, hindi sa lahat ng pagkakataon dapat ay umaasa sila sa iba. They need to learn how to stand on their own feets instead of asking for someone else help."

"You are so brutal in many ways. Magbabago ka pa ba Judy Ann Quinoa?"

"Malay ko. Baka hindi na." Sabi ko sabay tawa ngunit napaubo lang nang maramdaman ko na naman ang pananakit ng katawan ko. It's been 3 days and I am still laying on my bed. Poor me. Nang humupa ang pag-ubo ko ay bigla na lang pumasok sa isip ko si Daegan. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya lalo pa't mukhang kahit anong gawin ko ay walang balak na tumigil ang pinsan kong iyon hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. Hindi ko naman puwedeng palabasing wala akong pakialam gaya noon dahil hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Kieran. Lahat susubukan no'n makuha lang ang gusto.

"Natahimik ka riyan?"

Napatingin ako kay Hina. "You know Hina I can't just stay here. I am worried what if something may happen to him while I'm away?"

Nagtsk siya. "Alam mo simula nang makilala mo 'yang nilalang na iyan ang laki na ng ipinagbago mo."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kumukonti na ang bilang ng mga pinapatay mo. Hindi ka na rin madalas gumagawa ng gulo para lang sa walang kuwenta mong rason. Tumigil ka na rin sa paghahanap ng hari mo. At ito pa ang nakakagimbal sa lahat. May mga tinutulungan ka na. Wow... that was amazing of you." Paliwanag ni Hina na may kasama pang panunuya.

Sandali akong natahimik. Nag-iisip kung tama ba siya at kumunot ang noo ko nang mapagtagpi-tagpi ang mga sinabi niya. Pilit ko siyang nginitian. "Nakakalimutan ko lang."

She tsk. Obviously didn't buy my reason. "Speaking of your king. Don't you have any plan of searching him anymore? Are you just letting Kieran win? I can still remember how you said only thing you want in this world is power and only thing you desire is the majesty's throne. Are you forgetting about your real goals in life now?"

Para akong napipi sa kanyang tanong. Am I? I can't answer her because I even don't know what to say. Kahit ako ay hindi ko alam ang sagot.

"Judy, I am saying this as a friend. Daegan is really not good to you. He will just ruin you. Alam mo rin namang hindi lingid sa kaalaman nating lahat na bawat bampirang galing sa royal family, dapat ay sa bampirang galing din sa royal family maikakasal dahil iyon ang tradisyon."

I look at her in concern. "But..."

"You can't just leave him like that?" Marahan akong tumango na ikinabuntong hininga niya. "Halos lahat naman noon binabalaan ka na tungkol dito kaso ang sabi mo lang, he's nothing but a food. Look at you now, you are confused. And I'll be prank Judy, you are the one who puts Daegan's life in danger not just his life but also yours. What happened to the old you? The you who never let someone to be your weakness?"

The Ruthless Vampire Heiress (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon