ZIGGY's POV
Nakatitig lang ako sa mga daliri ko habang tulalang naglalakad papasok sa bahay namin. Hindi ko alam na may mas malala pa siyang magagawa kaysa sa mga nagawa na niya.
What happened to her? Where is my big sister I used to admire? Why did she lets them drag her down? Why did she lets her emotions ruled her heart?
Napalingon ako sa living room nang makarinig ako ng nabasag na bagay. Mabilis na tumakbo ako papunta roon para lang makita ang ina kong nanginginig ang kamay habang pinupulot ang mga bulaklak na nagkalat sa sahig. Akmang pupulutin na rin sana niya ang mga nabasag na flower vase ngunit agad kong hinila ang kamay niya palayo at hinila siya patayo.
"What's wrong mama?" Tanong ko kahit na may idea na ako sa dahilan ng ikinakaganyan niya.
Pilit siyang ngumiti. Nanginginig ang kamay na tinapik niya ang braso ko. Tapos ay tinalikuran ako. "T-tumatanda lang ako kaya hindi ko na namalayang n-nahulog ko na yung flower vase."
Parang pinilipit ang puso ko nang marinig ko ang pagkabasag ng boses niya kaya nilapitan ko siya't niyakap mula sa likuran. "Kahit anong mangyari mama, narito lang ako para sa inyo ni papa."
"Ano ka ba Ziggy, tigilan mo nga ako sa paglalambing mo, sinasanay ko lang ang sariling mag-ayos ng ilang mga gamit."
"You can always cry in front of me mama."
Bumasak ang mga balikat niya kasabay ng pagtungo niya. Pinilit niyang pigilin ang mga luha ngunit may tumulo pa rin. "I'm afraid to lose her specially now that she already broke the law."
Pinaharap ko siya sa akin at mahigpit na niyakap. Even I is afraid of losing her but I can't do anything to save her from the punishments that waiting for her. I am pretty sure his Majesty already learn about what she had done.
DAEGAN's POV
"Stop staring at me. Baka mamaya iisipin kong patay na patay ka na talaga sa akin." Panunudyo ko. Kanina pa kasi siya nakatitig sa akin na para bang ayaw na niyang kumurap.
"Patay na patay naman talaga ako sa 'yo."
Nagtsk ako at umiling-iling. "Buti na lang talaga mas angat ang kagwapuhang taglay ko sa iba kaya sa akin ka lang patay na patay."
Sabay kaming tumawa dahil sa sinabi ko.
"Are you not hungry?"
Pinakiramdaman ko ang sarili tapos ay nagkunot noo. "Hindi naman bakit?"
Matagal niya akong tinitigan. "N-nothing." Tugon niya sabay iwas ng tingin. "I-if you find out something strange about your body please forgive me."
Umalis ako sa pagkakaupo sa upuan at nilapitan siyang nakaupo sa island table. Sinapo ko ang mukha niya't pinatingin sa akin. "What's wrong?"
"I... I turn..." There's a concern look in her eyes while staring at me and I cannot help not to worry. "Never mind." Bumaba siya at nagtungong kama sabay higa tapos ay tinignan akong nagtatakang nakatingin sa kaniya. "Matutulog lang ako sandali. 'Wag kang aalis ah."
Sandali ko siyang tinitigan tapos ay nginitian. Pakiramdam ko ay parang may kaunting takot sa tono ng kaniyang pananalita. What's wrong with her? "Hindi ako aalis." Ngumiti siya pero nasa mata niya pa rin ang pag-aalala kaya nilapitan ko siya't naupo sa gilid ng kama saka inabot ang kamay niya.
"King anuman ang pinag-aalala mo narito lang ako sa tabi mo." Nakangiting sabi ko.
Pilit siyang ngumiti at mahigpit na hinawakan ang kamay ko na para bang natatakot siyang anumang oras ay aalis ako sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Vampire Heiress (Editing)
General Fiction⚠️18+ Judy Ann Quinoa is a beauty that everyone admires. She's also smart and good at what she does. But despite having good characteristics, others are also afraid of her because of her brutal personality and scary skills that no one wants to exper...