Chapter 28

565 30 3
                                    

DAEGAN's POV

Walang klase ngayon dahil weekend ngunit narito naman ang mga kaibigan ko. Nagluluto ng bananaque malapit sa pool. Dahil wala akong gana ay pinili kong lumayo sa kanila.

Tatlong araw ko na ring hindi nakikita si Judy. Ang gabing iyon lang ang huling beses na nakausap ko siya at aaminin kong namimiss ko siya.

Napasimangot ako dahil sa naisip saka tumalikod sa mga kaibigan kong nagkakatuwaan at maganang kumakain ng bananaque. Sinubukan kong bisitahin ang unit niya ngunit wala siya roon. Wala rin siya sa tambayan niya sa tagong parte ng university.

Mabigat ang dibdib na nagpakawala ako ng hangin. Ano kaya ang nangyari sa babaeng iyon? Okay lang kaya siya? Wala bang nangyari sa kaniyang masama? Kahit naman malakas iyon ay nag-aalala pa rin ako. Paano kung may rules silang kakaiba at naparusahan siya dahil lang sa pagtulong niya sa amin nang gabing iyon? Hangga't hindi ko talaga nalalaman ang totoong lagay niya ay hindi ko magawang kumalma.

"Ano ang iniisip mo?"

Napatingin ako kay Ayame na naupo sa kaharap kong upuan tapos ay nagbuntong hininga. "Wala." Tugon ko sa nabuburyong tinig. Pakiramdam ko ay hindi ako masaya at hindi ko magawang sumaya dahil sa tatlong araw lang na hindi ko siya nakikita.

"Missing her?" Panunudyo niya na ikina-poker face ko.

"'Wag ngayon Ayame, wala ako sa mood."

"Sa rami kasi ng puwede mong magustuhan bakit yung babae pang mahirap kunin?"

"At anong pinupunto mo?"

She smiled at me that didn't quiet reach her eyes. "Kung binubuksan mo lang ang mga mata mo, may taong palaging nariyan. Handa kang gustuhin nang hindi nakakaramdam ng lungkot."

Nagbuntong hininga ako. "Alam ko, alam ko. Guwapo ako eh at walang sinuman ang hindi magkakagusto sa akin; baka nga pati ikaw nahumaling na rin." Kinindatan ko siya't inagaw ang bananaque na inabot niya.

"Paano kung sabihin kong gusto kita?" Nakangiting tanong niya.

Malakas akong tumawa. Walang balak seryosohin ang sinabi niya. "'Wag ka ngang magbiro nang ganiyan, alam naman nating hindi ako ang tipo mo."

Nakangiti siyang nagtsk at kumain na lang ng bananaque sabay tingala sa langit. Nang mapansing parang wala siyang balak tumingin sa akin ay saka pa naglaho ang ngiti ko.

"I can still remember the day how you saved me from my bullies. You were like my hero, that's why I learned to rely myself on you."

"Ang hina mo kasi noon. Kaya ipinasok kita sa gang para matuto ka at hindi naman ako nagkamali. Ikaw na ang bumu-bully sa akin ngayon."

Pareho kaming natawa dahil sa sinabi ko. She's acting like a big sister to me now. Although I know she felt something towards me, I choose to treat her like a sister. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin dahil lang sa bagay na iyon.

"Nga pala, ayaw mo talagang sumama?"

"Saan?"

Umirap siya. "Sa trip to China mo."

Tsk. Tinamaan na naman ng kasungitan. "Ayaw ko. I want to spend my time with Judy."

Nilingon niya ako at seryosong tinignan. "Hindi naman ako tutol sa nararamdaman mo para sa kaniya pero hindi ba parang inilalagay mo ang sarili mo sa kapahamakan?"

"Ang seryoso mo naman Ayame. Matagal nang mapanganib ang buhay ko. Sa kaniya pa kaya ako hindi makaka-survive?" Kinunutan ko siya ng noo. She's acting like she know something that I don't know. "Why are you asking as if you know her very well? Do you know Judy more than I do?"

The Ruthless Vampire Heiress (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon