Chapter 27

545 28 1
                                    

I yawn while staring at Daegan. He's busy chatting with a group of people I don't know. Nakasimangot na tiningnan ko ang mukha nila isa-isa ngunit bumabalik din ang tingin ko sa kaniya na paminsan minsan ay tinatapunan ako ng tingin.

Habang lumilipas ang mga sandaling pinapanood ko sila ay napapansin kong si Daegan ang tipo ng taong paiba-iba ng ugali, dahil ang nakikita kong Daegan ngayon ay seryoso at paminsan minsan ay pilit na ngumingiti sa mga kausap.

Nabuburyong iniwas ko ang tingin sa kaniya sakto naman naupo si Luke sa kabilang upuan na kaharap ko rin naman. "Anong kailangan mo?" Nabuburyong tanong ko.

"Gusto mong sumama sa darating na vacation? Bibilhan ka namin ng ticket kasama si boss." Nakangiting sabi niya.

"Naku, busy akong tao eh." Palusot ko. Hindi ko sila puwedeng samahan kahit may parte sa akin na nahuhumaling sa offer niya. I will just put their life in danger. Sakto na sa aking isipin ang kaligtasan ni Daegan ngunit ang masali pa sila ay sakit na sa ulo.

"Sigurado ka?"

Tumango ako at magsasalita pa lang sana nang biglang maupo sa tabi ko si Daegan at inakbayan ako sabay talim ng tingin kay Luke na nailing na lang sa inakto niya.

"Are you two flirting with each other?" Nagtsk ako na ikinalingon niya sabay talim din ng tingin sa akin. "Anong tinitsk tsk mo riyan?"

"Tsk, kinakausap lang si Judy, over reacting ka naman boss." Ani Luke sabay tayo at iniwan na lang kami.

"Sabihin mo nga Judy, may namamagitan ba sa inyo ni Luke?"

Walang gana kong tinignan si Daegan. "Stop acting like a jealous boyfriend, it doesn't suits you."

"Why not? Aren't we in a relationship?" Nangingiting bulong niya. "You told them before we're in a relationship, so why don't we make it real?"

"Tsk, I don't like you."

Inilapit niya sa akin ang mukha sabay titig sa akin. "Just admit that you like me. Wala namang mawawala. Gusto rin naman kita eh."

Sinalubong ko ang kaniyang tingin. "Hindi ikaw ang gusto ko Daegan."

Kumunot ang noo niya. "Sino kung ganon?"

Inginuso ko si Luke na nakangiting nakikipag-usap sa mga bisita niya. Kinawayan ko siya nang lumingon siya sa amin kumaway din siya pabalik. "Si Luke."

"Ano!" Malakas niyang sabi na ikinalingon sa amin ng iba. "S-s-si Luke? Gusto mo si Luke?" Malakas siyang nagtsk. "Paano mo nagugustuhan ang payatot na iyan?" Hindi makapaniwalang tanong niya sabay turo kay Luke.

Ibinaling ko ang tingin kay Luke. "Payatot? Luke isn't skinny. He's a handsome and a masculine man actually."

Sinapo niya ang mukha ko at pinaharap niya ako sa kaniya. "Look at this face." Itinuro niya ang mukha. "This is the real definition of handsome, you get me?" Binitawan niya ang mukha ko at kumuha ng red wine sa dumaan na waiter, napatitig naman ako sa kakaibang itsura niyon. "Ang pangit naman ng taste mo."

Ngumisi ako. "Ibig sabihin pangit ka rin?"

Hindi niya naituloy ang akmang pag-inom ng wine dahil agad na gulat siyang napatingin sa akin. "A-anong sabi mo?"

Umiling ako sabay hablot sa wine na nasa kamay niya. "Wala." Tinitigan ko ang wine at kakaiba talaga ito. Agad na naalerto ako nang makaramdam ako ng kakaibang presenya sa paligid. Nang lingunin ko ang pinanggagalingan ng prisensyang iyon ay agad na binalot ng kaba ang puso ko nang makita si Kieran sa medyo madilim na parte ng bakuran na nakangisi.

'Enjoying the human's party my lovely cousin?' He mouthed at ilang sandali pa ay bigla siyang naglaho kasabay ng pagsulpot ng napakaraming bampira na ikinabahala ko kasama si Daegan. Ang masayang katuwaan ay nauwi sa mga sigawan nang magsimulang pumatay ang mga bampirang tauhan ni Kieran.

The Ruthless Vampire Heiress (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon