Chapter 14

782 44 2
                                    

Lumipas na naman ang isa pang linggo at bakante na naman ang upuan ni Judy. Dalawang linggo na siyang hindi pumapasok. Why? I let out a deep breath as I blankly stare at my professor for our afternoon class. Kahit anong gawin ko, isubsob ko man ang mukha sa unan ay hindi ko pa rin siya magawang alisin sa isip ko. Hindi ko naman magawang tumingin sa iba dahil sa takot na baka maging responsibilidad ko pa sila or worst, sabihin pa nila kay mom na ginalaw ko sila tapos makakasal ako nang wala sa oras. Marahas na ipinilig ko ang ulo. Iyon na siguro ang bagay na kailanman ay hindi ko gugustuhing mangyari.

"Daegan Perez are you listening!"

Nabalik ako sa realidad nang marinig ang malakas na sigaw ng guro namin. "Sir!"

"Get out of my class!"

"Anong nagawa ko?" I asked in confusion.

"He called you five times now, but it looks like your mind is in another part of the world." Sarkastong paliwanag ng lalaking kaklase ko. He's been my classmate for many years but I still don't know his name. Lahat naman ng kaklase ko ay hindi ko kilala.

"Sorry sir." Pagkasabi ko niyon ay agad akong lumabas. Hindi na bago sa mga guro kong hindi ako nakikinig pero bago naman sa akin ang nangyayari sa puso at isip ko.

Nakasimangot na naupo ako sa bench sa pinaka sulok na bahagi ng paaralan. Am I sick? "Bakit ba puro na lang siya!" Inis na sigaw ko. Kung puwede ko lang siyang hugutin mula sa isip ko ay ginawa ko na. She's making me miserable.

"Problema mo boss?"

Napatingin ako sa mga tao na hindi ko man lang napansin na nakaupo pala sa bench na malapit lang sa akin. Ganoon na ba niya kaokupado ang isip ko para maging ganito ako?

"Ano ang ginagawa niyo rito?" Tanong ko sa lahat ng mga gangmate ko. Hindi ko maintindihan kung bakit pati sina Shera at Ayame ay narito gayong medyo maayos naman sila mag-aral hindi katulad nina Luke.

"Pinalayas kami ng guro namin at kasalanan iyon ni Gaby." Paliwanag ni Francis sabay turo kay Gaby. Sa umaga ko lang sila kaklase at sa iba pang subject ay hindi na.

"Kayo?" Baling ko kina Shera at Ayame.

"Tinopak yung kaklase namin at biglang nanuntok kaya labas kaming lahat." Kibit balikat na paliwanag ni Ayame. Parang wala pa siyang pakialam na pinalayas sila ng guro nila. Tsk, 'tong mga gangmates ko, wala talagang kuwenta mag-aral.

"Boss, bakit hindi na yata namin nakikita ang girlfriend mo? Nag-break ba kayo?"

Dahil sa tanong ni Luke na iyon ay agad na sinamaan ko siya ng tingin. "Anong break! Bakit kami magbi-break eh wala naman kaming relasyon!"

Tumawa silang lahat na para bang natutuwa pa sila sa nangyayari sa akin.

"Pansin kasi namin boss, nagiging malungkutin ka na nitong mga nakaraang linggo. Aminin mo boss, namimiss mo siya ano?" Pang-aasar ni Nick. His eyebrows were wiggling, and then he playfully smirked.

Kung pwede ko lang siyaa tirisin ngayon din.

"Namimiss mo 'yang mukha mo, wala akong pakialam sa babaeng iyon."

"Sus, kaya pala wala ka ring pakialam na grounded ka gayong ayaw na ayaw mong makulong sa bahay niyo." Pagpaparinig ni Shera.

"Aba! Mga hoy! Boss niyo ako kaya dapat na igalang niyo ako!"

Lahat sila ay nagtsk.

"Alam naming boss ka namin kaya nga bagsak kaming lahat eh kasi bagsak din ang grado ng boss namin." Ani Francis at tumawa na naman sila na puno ng pang-aasar.

The Ruthless Vampire Heiress (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon