Chapter 22

630 32 1
                                    

"Pupunta ka? Tomorrow night is Luke's birthday." Tanong ni Daegan habang nananghalian kami sa canteen.

Honestly, this is the first time I've eaten human food, and yeah, it feels like I'm eating air. Kung hindi lang nila ako hinila rito ay hindi rin ako pupunta. Sinubukan kong tumanggi nang orderan nila ako ng pagkain nila, ngunit masyadong mapilit ang mga kaibigan ni Daegan.

"Oo nga Judy, punta ka. Sabay ka na lang kay boss tutal pupunta rin siya." Pangungumbinsi ni Luke.

"Isa pa, wala pa kaming nakikitang dinala ni boss sa bawat event na pinupuntahan namin kaya baka ito na ang tamang panahon para mag-level up ang boss namin." Dagdag ni Shera tapos ay mahina silang nagbungisngisan.

I stare at this woman in front of me. She's laughing genuinely, as if nothing happened between us. What a good actress. "Saan ba i-ce-celebrate?" Tanong ko nang nakangiti. I like all of Daegan's friends except her. They are so true and genuine towards me.

"Sa bahay ko syempre." May pagmamayabang na tugon ni Luke.

"I'll come then." Nakangiting tugon ko at kumain ng pagkain nila.

"Stop eating, I know you don't eat our foods." Bulong ni Daegan na katabi ko lang ng upuan.

"What do you want me to eat then? You?" Gusto kong matawa nang bigla siyang tumungo kasabay ng pamumula ng mukha niya. I find him cute every time he blushes.

Matapos kumain, balik ulit ako sa tagong tambayan ko dahil bawal akong mamasyal sa oras ng klase ayon sa ama ni Mandy kung gusto ko raw pumasok dito. Puwede lang ako mamasyal kapag break time ng mga estodyante.

Nahilot ko ang sentido nang maalalang hanggang ngayon sy wala parin akong mahanap na qualified na bampira para sa trino. May nakikita akong mga royal blood vampires sa University na ito ngunit hindi ko rin maasahan ang kanilang abilidad.

"What a beautiful lady is doing here in the hidden part of the universit?"

Iminulat ko ang mga mata at tiningnan ang nilalang na naupo sa kaharap kong bench. "What do you want, Mr.Ginn?"

"You are having a nice relationship with his royal highness, huh?" Iyon na agad ang sinabi niya imbis na pansinin ang tanong ko.

Puno ng pagkalito ko siyang tinitigan. "What do you mean?"

"Nothing. It's been weeks. How have you been, your royal highness?"

"Get out of my sight."

He chuckled. "You're so rude, your highness."

Nawalan ng gana ang expression ng mukha ko. Magsasalita pa sana ako nang bilga na lang sumulpot sa tabi ko si Hinami. Imbis na batiin ako ay nasa lalaking nasa kabilang bench na agad ang kaniyang tingin.

"I didn't know you had a date." Nakangising aniya. Ngising imbis na matutuwa o maaasar ka ay katatakutan mo pa.

"Tsk, I don't know that creature." Tugon ko't ipinikit ang mga mata.

"Ouch, that was harsh." Rinig kong sabi ni Reggie.

"Andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap."

Napamulat ako ng mata nang marinig ko ang boses ni Daegan. Nasa harap ko siya; nakatayo. Lumampas ang tingin ko kay Reggie na matamang nakatitig kay Daegan. Ang kaninang nakangiting mga labi niya ay biglang tumikom at ang maaliwalas niyang mukha ay nawalan ng emosyon. I tried to read his mind but he's blacking my way.

"Anong kailangan mo Perez?" Tanong ko sabay tingala kay Daegan na walang ganang nakatingin kay Hina tapos ay nakangiti na nang ibinaling niya sa akin ang tingin.

The Ruthless Vampire Heiress (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon