JUDY ANN's POV
"Marunong ka mag-ice skate?" Tanong ni Daegan na dapat niyang itinanong bago niya ako ayain dito. Tsk, kasalanan ko rin naman. Sa kagustuhan kong asarin ang babaeng iyon ay sumama pa rin ako kahit wala akong kaalam alam sa ganitong sport.
Nasa ice rink na kami ngunit imbis na mag-skate kagaya ng mga kaibigan niyang naghahabulan ay pinili kong manatili sa gilid para hindi matumba.
"Hindi." Tugon ko na ikinakunot ng noo niya.
"Tsk, hindi ka pala marunong bakit sumama ka pa?"
"Sino ba ang namilit?"
Nagkamot siya ng ulo tapos ay naglahad ng kamay. "Tuturuan kita."
"Marunong ka?" Paninigurado ko. Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng iba kapag matumba ako sa ice rink, pero may pakialam ako sa isiping masakit iyon.
"Ako?" May pagamamayabang niyang turo sa sarili. "Si Daegan Perez hindi marunong?" Umiling-iling siya. "Magaling kaya ako."
May pagdududa man ay tinanggap ko pa rin ang kamay niya. Nakangiting iginiya niya ako sa gitna ngunit hindi pa man kami nakakarating ay bigla na lang akong namali ng galaw kaya natumba ako patihaya at dahil hawak ko ang kamay niya ay nahila ko siya.
Napapikit na lang ako nang bumagsak ang katawan ko sa malamig na yelo at nang imulat ko ang mga mata ay natigilan ako nang mapansin kung gaano kami kalapit sa isa't isa. Nasa ibabaw ko siya na gulat na nakatitig sa akin. Para naman akong naninigas at hindi alam ang gagawin. Ang puso ko, bigla na lang bumilis ang pagtibok sa hindi ko malamang dahilan. Do I have heart a disease? But I am healthy.
Napalingon ako sa kabilang parte ng ice rink nang marinig ko ang pagsigaw ng mga kaibigan ni Daegan tapos ay sumipol pa sila.
"Iba talaga ang galawan mo boss, kaso, nagmumukha kang baklang nakapatong kay Judy!" Sigaw ni Shera tapos ay malakas silang nagtawanan kaya nilingon sila ni Deagan at sinamaan ng tingin ngunit mas lalo lang nila nilakasan ang pagtawa.
Ibinalik ko ang tingin kay Daegan na mabilis tumayo tapos ay naglahad ng kamay sa harap ko. "Huwag mo na lang pansinin yang mga walang utak kong kaibigan."
"I am not affected." Kibit balikat kong sabi at tinanggap ang kamay niya ngunit saktong pagtayo ko ay muli na naman akong natumba at sa pagkakataong ito ay nasa ibabaw na niya ako. Bigla ay nag-init ang buong mukha ko dahil sa posisyon namin na sinabayan pa ng pagsipol ng mga kaibigan niya. Nang ibaling ko ang tingin kay Daegan ay may pilyo na siyang ngisi.
"Kung hindi lang ako matalino ay iisipin ko na talagang nananching ka. Tsk, tsk, tsk. Aminin mo na kasing may pagtingin ka sa isang Daegan Perez na katulad ko."
Nawala lahat ng emosyon sa mukha ko kasabay ng pag-poker face ko. "Asa." Mabilis akong tumayo ngunit ako na siguro ang pinakamahina pagdating sa ice skating dahil muli na naman akong natumba patihaya ngunit bago pa dumikit ang katawan ko sa yelo ay may mabilis na kumapit sa kamay ko't hinila ako patayo tapos ay bigla na lang niya akong niyakap at iginaya sa tamang pag-iiskate.
"I know you can easily heal, but I don't want you to get hurt." Bulong niya sa tainga ko na nagpaiba sa tyempo ng nararamdaman ko.
Dahil magkadikit ang mga dibdib namin ay ramdam na ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso niya. Ramdam ko ang pagbaba ng kamay niya sa baywang ko; ang isa naman ay mahigpit na nakakapit sa kamay ko na para bang iniingatan niyang hindi ako matumba sa bawat pagkakataong iginagaya niya ang paa ko sa tamang paggalaw.
Nadaanan ng tingin ko ang mga kaibigan ni Daegan. Wala na sa amin ang kanilang pansin at nasa ginagawa na.
"Don't look at them; just look me in the eyes and let your legs move like you are an expert in skating. Palambuting mo ang katawan mo at sumabay ka sa bawat galaw ng paa ko."
BINABASA MO ANG
The Ruthless Vampire Heiress (Editing)
General Fiction⚠️18+ Judy Ann Quinoa is a beauty that everyone admires. She's also smart and good at what she does. But despite having good characteristics, others are also afraid of her because of her brutal personality and scary skills that no one wants to exper...