Chapter 46

542 25 2
                                    

Nakatitig lang ako sa kawalan habang sinusuklay ang ang buhok ni Daegan. Marahan akong nagbuntong hininga at kinagat ang pang-ibabang labi. I don't know what to do now. I don't know what is the best thing to do.

I want to keep him. I badly want but I can't. Kung ipagpapatuloy ko ito anumang araw mula ngayon ay makikita nila ako hindi dahil sa mga kawal kundi dahil sa hari. Kapag may lumabag sa batas, hindi niya palalampasin kahit kadugo pa niya.

Bumaba ang tingin ko kay Daegan na nakaunan sa mga hita ko at mahimbing na natutulog. "I don't know what to do anymore."

Tumingala ako nang mangilid ang luha ko. Kapag mahuli ako ay paniguradong ihahanda nila agad ang hatol sa akin at kapag nahuli pa siya ay pareho kaming mamamatay.

Maaari akong mahanap ng hari ngunit maaaring hindi niya mahahanap si Deagan kapag hindi kami magkasama dahil tanging kadugo lang ng hari ang kaya niyang hanapin kahit saan pa man  ito magtago. Marahan kong inalis ang pagkakaunan ni Daegan sa hita ko saka lumayo.

It's so hard for me to leave him but I have no choice. Mabilis na gumawa ako ng barrier sa buong underground para hindi siya makaalis at mabilis na nag-teleport ako pauwi sa flat ko para kunin lahat ng mga na-stock kong dugo.

Saktong pagdating ko sa kusina ay ganoon na lang ang gulat ko nang makita si Hinami.

"Finally you showed up." Sabi niya nang walang buhay na nakatingin sa akin.

Hindi ko maiwasang manibago pero pinilit ko pa rin ang sariling ngumiti. "Why are you he--"

Naiwan sa hangin ang mga sinabi ko nang bigla na lang niya akong sugurin ng malakas na suntok na ikinatilapon ko. Malakas na napadaing ako nang tumama ang likod ko sa pinto at lumampas pa ako palabas.  Namimilipit na bumangon ako habang hawak hawak ang likod. Hindi pa man ako nakakabawi ay muli akong tumilapon patungong hagdanan. Naman!

Hirap na bumangon ako ngunit agad na kinwelyuhan niya ako. Iminulat ko ang mata at natigilan nang makita ang galit na galit na mga mata ni Hinami.

"What's wrong?" Nagtatakang tanong ko.

"Y-you--" Natigilan ako nang marinig ang pagkabasag ng boses niya kasunod ng pagtulo ng mga luha niya. "Alam mo bang kagagaling lang ng mga kawal dito para hanapin ka ha! Alam mo bang... alam mo bang wanted ka na sa buong imperyo!"

Marahan kong tinapik ang balikat niya at nginitian siya. "I know and I am okay."

"Okay?" Lumayo siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Okay ka pa rin sa lagay na 'yan!"

Nagbuntong hininga ako. "Can I ask a favor?"

Kumunot ang noo niya. "What the! No--"

"Hinami I know where he is can you... look for him?"

Walang buhay siyang natawa. "You... you are crazy."

"Daegan... he eats human."

Kumunot ang noo niya. "Can you repeat it?"

"Daegan ate human's flesh I saw it with my own eyes."

Biglang bumakas ang pagkalito sa kaniyang mukha. "But... h-how? I thought he's also one of us."

Ako naman ang nalito dahil sa narinig. "May alam ka bang hindi ko alam?"

"Mali ba ako ng hula? Paanong... niloloko mo ba ako?"

Mas lalong kumunot ang noo ko. "Niloloko? Bakit naman kita lolokohin? Hinami I saw how he lost his controls. I saw how he ate human's flesh as if it was the most delicious food he'd ever ate."

Parang wala sa sariling tinalikuran niya ako. "I can't believe it. Akala ko makakaligtas ka pa rin." Nagulat ako nang bigla na lang niya sipain nang pagkalakas lakas ang vase kaya tumama iyon sa isang pader kasunod niyon ang pagyuko niya tapos ay luhaang tumayo siya at tiningala ako. "Ikaw na lang ang mayroon ako mawawala ka pa? K-kung nakinig ka lang sa akin noon hindi mangyayari ito... what have you done Judy?" Malakas siyang nagbuntong hininga at pinunasan ang mga luha niya. "Gate out of here. Limang kilometro lang ang layo ng mga kawal at papunta na sila rito. Umalis ka na. Ako na ang bahala sa kanila."

The Ruthless Vampire Heiress (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon