Chapter 32

561 30 4
                                    

Maaga pa lamang, ngunit heto't sumasakit na ang tainga ko dahil sa babaeng nagsusumigaw sa ibaba habang humihingi ng tulong at pilit na kumakawala sa mga lalaking nakahawak sa kanya. Hindi nila ako napapapnsin na nasa itaas ng puno mga isang kilometro ang layo mula sa kanila. Narito sana ako sa malawak na kagubatan para magpahangin, kaso ginagambala nila ang payapang buhay ko.

"Kahit sumigaw ka pa ay walang makakarinig sa 'yo rito." Natutuwang sabi ng lalaking nasa harap ng babae.

"Behave ka na lang kasi, para madali ang lahat." Sabi naman ng lalaking nakahawak sa kaliwang kamay ng babae.

"Oo nga naman miss, pinapahirapan mo pa kami eh puwede ka namang makaranas ng sarap sa amin." Sabi naman ng lalaking nakahawak sa kanang kamay ng babae.

"Ang ganda." Puno ng pananabik na sabi ng lalaking nasa harap.

"Pakiusap... huwag..." Nagpapaawang iyak ng babaeng niri-rape.

Imbis na maawa ang lalaking nasa harap ay pinunit nito ang damit ng babae na ikinatsk ko. "What a beautipul boobs." Maligayang komento niya habang pinapasadahan ng tingin ang hubad na katawan ng babae.

I rolled my eyes. I have no plan of helping her.

"Please don't! I will pay you! J-just please, don't do this to me!"

Inis na tinakpan ko ang tainga. Ang ingay-ingay! Puwede naman silang mag-sex nang hindi nag-iingay! Bakit ginagambala pa nila ako!

Malakas nagsipagtawanan ang mga lalaki. Halatang nasisiyahan sa nakikitang takot sa mga mata ng babae. Imbis na pansinin sila ay nahiga ako sa sanga ng puno patalikod sa kanila at ipinikit ang mga mata.

Ilang sandali lamang akong nakapikit ngunit inis na muling nagmulat dahil pakiramdam ko ay gusto kong pumatay nang marinig ko ang malakas nilang halakhakan.

"Please don't! I'm begging you!" Malakas na sigaw ng babae.

Inis na nagbuntong hininga ako. Badtrip na ginulo ang buhok, dahil kahit anong subok kong matulog ay ang ingay nila ang naririnig ko! Inis na hinarap ko ang mga peste sa buhay ko.

Akmang hahalikan na sana ng lalaking nasa harap ng babae ang leeg ng babae ngunit mabilis na nag-teleport ako palapit sa kanila at nang sumulpot ako sa likod ng lalaki ay malakas na ibinaon ko ang kamay sa likod niya palagpas sa gitnang dibdib niya.

"What a warm heart you have." Sabi ko habang hawak hawak ang puso niyang tumitibok pa. Ang dawalang lalaking nakahawak sa babae ay parang tumigil sa pagpintig ang mga puso at gulat na gulat na nakatingin sa akin.

Hinugot ko ang kamay at hinayaan lang ang lalaking matumba sa harap ko. Kinain ko ang puso ng lalaki nang hindi inaalis ang tingin sa kanilang gulat na nakatingin sa akin. I even licked my hand after finishing it. "Delicious."

"H-halimaw!" Sigaw ng dalawa at mabilis na tumakbo.

Sininghot ko ang hangin habang diretsong nakatingin sa babaeng nasa harap ko na takot na takot na nakatingin sa akin, ngunit imbis na tumakbo rin ay parang napako ang mga paa nito sa kinatatayuan at hindi niya magawang umalis.

Muli kong sininghot ang hangin. "Smell of fears." Nakangising sabi ko at mabilis na tinakbo ko ang pagitan namin ng mga lalaki sabay gawa ng dalawang dagger at magkasabay silang pinutulan ng ulo. Umayos ako ng tayo kasabay ng pagbagsak ng katawan ng mga lalaking wala nang mga ulo. Dinilaan ko ang dalawang dagger ko na may dugo saka iyon tinunaw at mabilis na nag-teleport pabalik sa harap ng babaeng nakakatulala na.

Walang gana kong sinalubong ang kanyang tingin. "Ano pang tinatayo-tayo mo riyan?"

Napakurap-kurap siya at puno ng takot na napatingin sa akin. "P-p-p-please d-d-d-don't kill me!" Takot na takot niyang sabi sabay luhod.

The Ruthless Vampire Heiress (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon