DAEGAN PEREZ POV
"Boss, may gustong manghamon ng away at nasa labas sila ng gate ngayon. Kung hindi ka raw papayag sa hamon nila ay ibig sabihin isa ka raw duwag na hari ng mga gangster." Sabi ni Luke na kakapasok lang sa malawak na salas ng Gangster Mansion. He's tall with long dark hair and grayish eyes.
I just stare at him with no interest. Nangalumbabang naupo ako sa aking magarang upuan na ginawa para lamang sa akin at tinatamad na naghikab. "Luke, I don't care whoever are those mother f*cker. Just send them away." Hindi ako ang tipo ng tao na papatol sa mga taong nanghahamon lang ng away. Napaka immature isipin, tsk.
"But they are from WD."
Nagsalubong ang mga kilay ko. "WD?"
"Wrong Destination boss." Natatawang tugon niya.
Oh he's talking about our greatest gangster rival. Ang grupong matagal nang gustong maangkin ang aking titulo ngunit hindi nila mapagtagumpayan.
"Tsk, and they have the nerve to ask for some immature fight when they are nothing but a group of weak gangsters." Nabuburyong sabi ko.
"Ibalato mo na lang sa akin boss." Singit ni Gaby.
Binalingan ko siya ng tingin. Ngumiti ito at isinuklay ang mga daliri sa buhok niyang itim na itim na kahit siguro isang taon niyang hindi lagyan ng conditioner ay tuwid na tuwid pa rin at malambot. Siya yung lalaki na kung mahaba lamang ang buhok ay mapagkakamalan mong babae. Napairap na lang ako nang kindatan niya ako. 'Disgusting'
"Don't mind them. Sasayangin lang nila ang oras mo." Nabubwiset na sabi ko. Hindi ko alam kung bakit lahat ng mga mukhang nakikita ko ngayon ay nakakairita at nakakaumay.
"May regla ka ba boss at ang init ng ulo mo ngayon?" Naiiling na tanong ni Francis. Ito na yata ang taong nakilala ko na akala mo'y palaging may okasyon dahil wala nang araw na hindi ko siya nakitang nakasuot ng pormal. Sabagay, bagay naman sa kanya dahil sa tindig at dating niya. May itsura din siya pero di hamak na mas gwapo pa rin ako sa kanya ano.
"Oh, will you shut your damn mouth? Or else, I'll punch that ugly face of yours!" May narinig akong nagtsk. It was Ayame, Gaby's older sister. "Bakit?" Tanong ko sa kaniya na walang ganang nakatingin sa akin habang nakapangalumbabang nakaupo sa malaking sofa kung saan katabi niya si Gaby na ngayon ay busy na sa kaniyang Cellphone.
"Napakaingay mo kahit kailan." Aniya sa naiiritang tono.
"Ano bang paki mo? Baka nakakalimutan mong ako ang boss mo kaya wala kang karapatang magreklamo kung maingay ako!"
Nagtsk na naman siya't tinignan ako na para bang ako na pinakawalang kuwentang taong nakita niya."Wala akong paki."
Nagsalubong ang kilay ko sa kaniyang sinabi. Napakawalang galang! "Lapastangan!"
"Relax boss, alam kong menstruation mo ngayon. Gusto mong bilhan kita ng napkin?" Nabaling ang matalim na tingin ko kay Nick. May nakakalokong ngiti ito sa mga labi. He may look handsome in women's eyes because of his clean haircut, sharp jawline and perfect smile but not in my eyes! Because for me, he's one of the most annoying human being I've ever seen!
"Manahimik ka kung ayaw mong tamaan ka nitong hawak ko!" Inis kong sabi sa kaniya.
Tumawa lang ang gago."Ng alin? Niyang hawak mong minion na staff toy?"
"Lumayas ka Nick!" Napipikong sabi ko sa kanya.
"Pikon ka talaga boss. Saang planeta ka ba pinanganak at kahit biro ay hindi mo alam?" Natatawang ani Francis.
"Oh shut up mother f*cker."
"You're also a mother f*cker boss, don't you know that?" Natatawang singit ni Henry na kanina pa tawa nang tawa dahil sa pambu-bully nila sa akin.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Vampire Heiress (Editing)
General Fiction⚠️18+ Judy Ann Quinoa is a beauty that everyone admires. She's also smart and good at what she does. But despite having good characteristics, others are also afraid of her because of her brutal personality and scary skills that no one wants to exper...